Crazy Chap 28

37 6 9
                                    

Meg's POV

Waaah! Hindi ako makatulog. Lagi kong naalala yung nangyari kanina. Nakita ako ni Matt na nagtratrabaho dun baka hindi niya na ako magustuhan. O kaya iiwasan niya na ako kasi mandidiri siya sakin. O kaya naman, malalaman ng buong University na nagpapart time ang valedictorian nila. Naku! Paano na yan?

Flashback...

Naku! Andaya naman ni Brie eh. Iniwan kami dito. Umalis na din si Calvin, mukhang badtrip din. Eto kami ngayon, kaharap ang mga kumag maliban kay Matt, syempre.

"Kayo pala yan. Kaya naman pala ang weird niyong kumilos kanina."-Brian

"May patago-tago pa kayong nalalaman. Nice try. Tsk!"-Matt

"So, eto pala ang pinagkaka-abalahan niyo tuwing uwian."-Jake

"Wala na kayong pakialam dun."sabi ni Ally sabay tingin ng malayo.

"A-ano pa bang kailangan niyo? Tapos na ang shift namin dito. Kung may kailangan pa kayo, pa-assist na lang kayo sa iba."sabi ko habang nakayuko. Talagang hiyang-hiya na ako kasi wala na akong mukhang ihaharap sa kanila.

"Bakit kailangan niyo pang magtrabaho?"-Matt

"Kasi kailangan ni Ally ng pasdhfhfjcvk"pwe! Ano ba yan! Ang pangit ng lasa ng kamay ni Ally.

"Kailangan ng ano?"tanong ni Jake.

"A-aaah kailangan kong tulungan si Tita."palusot niya at saka tiningnan ako ng masama. Ano bang ginawa ko?

"Bakit mo kailangan tulungan tita mo?"-Jake

"K-kasi busy siya dito sa shop."Huh? Di ba para daw sa costume niya?

"Ally ano bang sinasabi mo di ba asdfghjkl. "Ano ba yan? Pati ba naman tong si Julie ipapakain din tong kamay niya sakin. Ano bang meron sa kamay nila?

"May tinatago ba kayo?" - Brian

"W-wala ah. Ano bang itatago namin sa inyo? Tsaka kung meron man ano namang pakialam niyo?"mataray na sabi ni Julie.

"Ahhh. Magbihis na muna tayo tapos umuwi na. Pinapauwi na kasi ako ni Mama eh."sabi ni Ally saka kinaladkad ako papasok sa staff room.

"Uy teka wait lang. Di pa ako nagpapaalam kay Matt!"sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak nila.

"Wag na. Magkikita pa naman kayo bukas eh."sabi ni Julie at tumawa.

"BYE MATT! KITA NA LANG TAYO BUKAS!"sigaw ko bago pumasok sa pinto.

End of Flashback...

Naalala ko pa rin yung kaninang gulo sa cafe ni Tita kasi si Charles biglang dumating. Kawawa naman si Brie, hindi naman nila sinasadya yun ni Calvin eh. Pero grabe talaga, ano bang nagawa kong kasalanan bakit nagkakanda malas-malas kami ngayon?

Huhuhu. Ang dami ko namang problema. Di bale, sa Friday naman ang last day namin sa cafe and after nun ay tapos na ang lahat. Kailangan lang na hindi magsalita yung apat kundi lagot sila sakin. Maliban kay Matt, hehehe.

Mabuti pa, itulog ko na lang to. Kailangan ko muna sigurong i-clear ang utak ko at bukas na lang ulit ako mag-iisip ng solusyon. Hay! Masyadong maraming nangyari ngayon.

*Next Day*

"Ma-mimiss ko yung shop ni Tita Tessa."sabi ko habang kumakain ng ice cream. Break ngayon at dahil sa hotness ni Matt ko ay bumili kami ng ice cream.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon