Crazy Chap 12

139 11 10
                                    

Meg's POV

Waaaaah! Di ko alam kung ano sasalihan ko. Sinabi ko lang na palusot yung journalism pero hindi naman talaga ako dun sasali. Di ko feel maging writer. Hay! Anong buhay ba naman toh. Wala akong talent. Di ako magaling sumayaw, sabi nila para daw akong robot tapos pagkumakanta naman napagkakamalan akong tumutula. Kulelat din ako sa sports pati sa acting. Ano pa ba pwede kong salihan?

Umupo na lang ako dito catwalk. Tama, hihintayin ko na lang sila dito. Buti pa kasi sila may kanya-kanyang hilig.

*after 5 minutes*

Hay! Nakakabore naman. Di ko pala kayang maghintay. Ang tagal naman kasi eh. Ang lonely ko pa naman dito, wala akong makausap kasi lahat sila busy sa club na yan.

Never pa akong sumali sa mga club simula ng mag-aral ako dito. Ewan ko ba? Parang wala akong talent. Nabiyayaan nga ng talino at ganda wala namang talent.

"Huy! Pinagpapantasyahan mo na naman ba ako?"Oh my gorgeous! Kanina pa pala nandyan si Matt, di ko man lang siya napansin.

"Aahhh. H-hindi ahhh... "Bakit ba ako nauutal? Grabe talaga epekto mo sa akin Matt mylabs.

"Eh kung hindi ako ano yung iniisip mo?"Totoo ba to? Kinakausap ba ako ni Matt.

"Ehhh. A-ano k-kasi..."-Ako

"Ano?!!!" - Matt

"Ano... Wala kasi eh. Ano akong masalihang ano... Clubs... "Ano ba yan! Puro ano nasasabi ko...

"Ano? Ano ka ng ano, puro na lang ano. Wala akong maintindihan kundi ano!"Nagagalit na si Matt.

"S-sorry. Bakit nga pala nandito ka? Di ka ba sasali sa mga club?"-Ako

"O-okay lang. Ehh kasi ano eh... Ano... Ganito kasi yun... Ano... "-Matt

"Ano? Ano ka ng ano, puro na lang ano. Wala akong maintindihan kundi ano." Nakakainis naman si Matt eh puro ano. Word of the day: Ano.

"Sorry naman. Teka, ginaya mo lang yung sinabi ko kanina ah. Tss!"-Matt

"Sorry din. Ikaw kasi eh... Ano..."-Ako

"Sige. Magsimula ka ulit sa ano na yan. Maa-ano na kita!"-Matt

"Okay."yun na lang ang nasabi ko.

"Uy pareng Matt, di ka ba sasama magta-try out sa basketball? Sigurado akong pasok ka kaagad dun. "-Brian

"Oo na. Susunod na ako. Mauna ka na."Ano ba naman yan si Brian eh. Moment namin sinisira.
"Ahhh, Meg. Mauna na pala ako, may try-out pa kasi eh..."-Matt

"Ah, sige. Okay lang." Kung pwede ko lang sana sabihin na Wag muna Matt, dito ka lang. Pero hindi eh

Pagkatapos nun, nag-wave na siya sa akin saka umalis na. Nakakainis naman eh, kung kelan naman... Okay, kalimutan mo na natin yun. Pero... bakit kaya ako kinausap ni Matt? Isang himala!

Umupo lang ako dun sa catwalk at hinintay ang uwian. Maya-maya din nagbell na at dumating na rin yung mga beng ko. Beng tawagan naming magkakaibigan. Umuwi na rin ako pagkatapos nun.

*Next Day*

Yehey! Another day na naman para makita ko si crush. Excited akong pumasok sa gate ng school at ayun, nandun syempre yung mga kaibigan ko. Lagi naman eh!
Nag-flag ceremony kami at umakyat na rin sa kanya-kanyang classrooms.

Syempre kaming magkakaibigan ang magkakatabi sa pinakadulo ng classroom. Unang subject pala namin sa araw na ito ay MAPEH. Lalaki ang teacher namin, si Sir Teds. Nakakatawa siya, lalo na pagnag-eenglish kasi mali-mali yung grammar niya. Hahaha.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon