Crazy Chap 22

41 6 7
                                    

Julie's POV



"What?! Seryoso ka Brie?" muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko sa narinig ko galing kay Brie. Ang bilis ng mga pangyayari hindi ma-absorb agad-agad ng utak ko. Wait nga lang tama nga ba kase yung narinig ko? Processing... 


"Wag ka nga sumigaw Julie naka-headphones kaya ako. Tsaka oo nga! Seryoso ako. Kahapon lang ng gabi paulit-ulit?" ahh oo nga pala naka-skype kami ngayong dalawa gabing-gabi na. Ganito kami minsan kapag weekend kapag may gustong ishare. Mga atat hindi na mahintay ang lunes. Pero whaaat tama nga yung narinig kooo.


"Boyfriend mo na si Charles? Sigurado ka? Hindi ko ata na-feel yung courting methods niya sayo. Dapat, pinahirapan mo! Binigay mo agad yung yes mo? Hay nako katiwa-tiwala ba yan? Dapat sinigurado mo muna mamaya loko-loko din pala yan, nasa loob ang kulo. Hindi kaya ako satisfied sa efforts niya." nakakagulat naman kasi eh. Pero wala naman akong magagawa kung yun yung gusto ni Brie. Wala din akong magagawa kundi suportahan nalang siya. Pero sa totoo lang, hindi talaga ako boto sa Charles na yon. Huh pag may napatunayan na siya saka ko lang kakalimutan yung atraso niya sakin.


"Hahaha matagal tagal din naman siyang nanligaw. Kilala na rin siya nila mama. Okay na nga rin kay papa eh. Gusto nalang nila, ma-meet si Charles. Tsaka hindi ko naman kakalimutan yung pag-aaral ko don't cha worry. Tsaka medyo mas angat naman kayo sa puso ko hahahaha!" sabi naman ni Brie. 


"Huhuhu medyo lang? Alam mo kung sa personal mo toh sinabi baka najombag na kita hahaha joke. Yung seatmate slash bestfriend namin slash karamay ko sa height  may boyfriend na huhu. Ikaw ang unang bumitaw sa kataga nating NBSB kaya dapat manlilibre ka intindiez'?" biro ko kay Brie. Hindi pa alam ng dalawa hindi kasi online. Bukas nalang sasabihin ni Brie sa dalawa doon sa meeting place namin kung saan kami maguusap-usap para sa project namin.


"Hahaha ewan ko lang kung makakadala ako ng extra money pero ta-try ko hahaha. Magdala rin kayo para sure. Hoy bukas ah 1 pm daw walang male-late!" -Brie


"Haha bahala na bukas. Pero Brie, ito ah.. Sis to sis talk. Onting payo lang err feeling expert noh hahaha. Kapag may problema, huwag kang mahiyang mag-share samin or mag-open up ng topic kase you know.. Hindi uso satin ang secrets bunyagan ito hahaha. Kahit wala akong tiwala kay Charles, eh ikaw may tiwala ka naman, kaya panatag na rin ako yiii~. Lahat ng nangyayari, may dahilan. Alam mo naman kasi kapag may boyfriend, daming sakit sa ulo hindi maiiwasan yung iiyak ka talaga pramisss ehem credits to wattpad. Pagsubok yan. So, reminder lang Aubrie Karyn, nandito kaming tatlo para sayo. Sasaluhin ka kapag nagpaka-engot ka. Hahaha wag mo kaming kakalimutan number 1 besties bengs mo kami. Magkakapatid tayo beng. Ocia' sila Meg at Ally na magtutuloy ng nobelang toh hahaha. Ip-pm ka non sigurado pagkasabi mo sa kanila pramis. Abangan mo hahaha. Jombag samin si Charles pagniloko ka. Okay yun lang. Yii~ iiyak na yan! Speechless ba? Hahaha sagot!" masyado naman atang pang-MMK yung sinabi ko. Haha over na para namang mag-papakasal na tong isa dito. 


"Hahaha! Grabe na Julie! Gusto mo talaga akong paiyakin noh? Ang drama. Pero salamat na din. Oo aasahan ko na talaga mga pm nila sakin bukas ng gabi ganyan kayo ehh hahahaha." -Brie



" Hahaha ganun talaga. By the way, hey hey kwento ka naman tungkol dun sa preparation sayo ni Charles! Yiii~ hindi ko kasi maimagine kung gaano ka-romantic yung placeee. Kinikilig akooo." pag-iiba ko ng usapan para naman mawala yung dramaness sa paligid. Ang korni na kaya hahaha.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon