Crazy Chap 16

64 5 5
                                    

Crazy Note:
Hi Guyths! Thank you po sa mga naglike ng page ng IOCLW. Sana patuloy niyo po siyang subaybayan kasi maramimg exciting scenes ang aabangan niyo. Dun posa hindi pa naglilike ng aming page, please visit us in facebook, just search In Our Crazy Little World at makikita niyo na po ang aming official page. Gusto ko lang po imention tong babaeng to na kinikilig kay Brie at Calvin. She is none other than---- Keraine Laine!

Meg's POV

Lumipas ang araw at silang lahat ay busy sa kanya-kanyang clubs. Si Brie tanggap sa volleyball, si Ally naman tanggap din sa Dance Troupe, at si Julie naman, syempre pasok din siya sa varsity ng chess. Hay! Buti pa sila ako wala man lang ni isang sinalihan. Di bale, nabuhay nga ako ng walang sinasalihamg club this past 3 years dito sa CU kaya nothing's new.

Nandito kami ngayon sa AGAPE since wala yung teacher namin. Naglalaro kami ni Ally ng sungka tapos yung dalawa nag-chechess. Hay! Lamig talaga dito. Dito kami tumatambay sa CUG, Christian Unity Group. Dito kami nagbabible story tuwing Friday at pwedeng mag-stay kami dito kapag breaktime.

"Hoy Meg, ikaw na titira. Nakatulala ka na naman dyan.  Lagi ka na lang tulala simula ng dumating yang Matt na yan."-Ally

"Ay! Ako na pala. Sorry ah, di naman siya yung iniisip ko eh tsaka ano bang ginawa sayo ni Matt at bakit galit na galit ka sa kanya?"sabi ko.

"Eh kasi yung kaibigan niyang kupal. Simula ng dumating yang mga yan dito nagkandaletse-letse na buhay natin!"Oops! Napalakas sabi ni Ally. Nakooo!

"Ally, narinig ko iyon. Masamang salita iyon. May fine kang 5.00."-Tita Sophia

"Tsk! Tsk! Ayan kase eh, kung ano-ano tuloy lumalabas na masasama dyan sa bibig mo. "bulong ko sa kanya at bingyan niya ako ng masamang tingin.

"Sorry po Tita Sophia, di na po mauulit. Eto po ang limang piso."-Ally

"Basta ha! Wag mo na ulit yun uulitin kasi kasalanan yan sa Diyos!" - Tita Sophia

Tumango na lang si Ally at binalik sa akin ang tingin.

"Sana hindi mo na sinabi yung Matt na yun, tingnan mo! Nagbayad pa tuloy ako ng limamg piso dahil sa linte---asdfghjklzxcfb"Tinakpan ko na bibig niya na di maawat kasi baka mamaya may masabi na naman tong hindi maganda.

"Ano ba?"pabulong niyang sabi saka tinanggal yung kamay ko sa bibig niya.

"Shhh! Wag ka nga maingay Ally! Baka pagtinginan pa tayo dito eh, mamaya baka sabihin nag-aaway tayo."-Ako

"Wala akong pakialam sa sasabihin ni-asdfghjklzxc"-Ally

"Shhh! Haynako, wag ka nga sabing maingay eh. Basta kalimutan na lamg natin yun."-Ako

Tumira na ako kaso naputol agad kaya si Ally na ulit ang titira.

Haaaay! Ano kaya ginagawa ni Matt ngayon? Kumain na kaya siya? Dapat uminom siya ng tubig kasi mainit ngayon tapos baka madehydrate siya. Pagod na sigiro siya. Waaaah! Di ko siya matanggal sa isip ko...

Okay... Isip muna ako ng iba... Hmmm... Tungkol na lang sa pagkain. Oo, pagkain na lang. Parang ang sarap ng ice cream ngayon lalo na kapag ganitong mainit. Sa canteen may nabibili nun eh, masarap pa.

Dun ako nun hinila ni Matt habang kausap ko sila Ally eh. Kinikilig nga ako nun kasi nahawakan niya na kamay ko, parang ayaw ko na nga maghugas eh. Pero,  YUCK! baka magkaron ng germs pag di ako naghugas.

Sad to say, hinila niya ako nun papunta dun sa tinatambayan ko sa field. Nung una kinikilig ako kasi akala ko magdadate kami kaso yun pala pasasagutan sakin yung mga assignment. Hay! pero atleast... Kasama ko siya.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon