Crazy Chap 24

37 6 7
                                    

Matt's POV

*blaag*

"Hoy pare! Ang dami mo ng nababasag na gamit. Alam mo bang maingay? Ang dumi-dumi na dito sa kwarto mo. Kung gusto mo pa, madami dun sa kusina niyo."Kanina pa dito nagwawala tong si Calvin at syempre nandito kami sa kwarto niya. Anong akala niyo sakin t*nga? Hindi ko ipababasag mga gamit ko, mahal ko mga yun.

"G*go ka Charles! T*ngina mo!"sabi niya habang nagbabasag pa. Mula kanina puro mura lang ang bukambibig niya.

"Dre, wala ka na bang sasabihin kundi mura?"naiinis na talaga ako dito sa g*gong to. Kung hindi lang kita kaibigan baka kung ano ng nagawa ko sa kanya.

"Dahil yan sa g*gong Charles na yun. P*tangina niya! Halata namang pinagtritripan niya lang si Brie eh."sagot niya.

"Ano bang problema mo Dre?"tanong ko at umupo siya sa kama niya.

"Wala sa akin ang problema, nandun sa g*gong Charles na yun!"ilang beses niya ng binabanggit ang g*go. Yun na ba ang bagong po at opo?

"Dre, pwede ba tigilan mo na ang pagmumura mo. Ako lang pwedeng magmura ng ganyan. Tss. Tinamaan ka na talaga kay Brie."sabi ko

"Oo Dre. Palibhasa kasi di ka pa nagmamahal. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon baka buong bahay niyo sira na buti nga ako kwarto lang."sabi niya sabay smirk.

"Corny mo, Dre. Tigilan mo nga ako dyan. Ang bata bata mo pa puro ka na pag-ibig dyan."sagot ko sabay higa sa kama niya. Oo, feel at home.

"HINDI NA AKO BATA! KUNG HINDI UMEKSENA YANG HINAYUPAK NA CHARLES NA YAN, KAMI SANA NI BRIE!"sigaw niya.

"Paano kung wala nga si Charles, sigurado ka bang mahal ka DIN ni Brie?"pang-aasar ko.

"T*ngina mo Matt. Huwag ka na lang magsalita kung wala ka namang magandang sasabihin! Di ka nakakatulong eh!"Okay! Kung yan ang gusto mo!

¬_¬ - Ako

Nagpatuloy pa rin siya sa pagbabasag ng mga gamit niya. Nakakaawa naman... yung mga gamit niya.

*buzz*

Biglang may tumunog sa phone niya, mukhang hindi niya napansin. Matingnan nga...

From: Brie

Hay! Just got home. Kapagod kanina. Hi Charles! Love you!
Goodnight guys...

gm. >_

Hmmm. Si Brie pala. Ang bilis naman nito, nakuha agad yung number ni Brie. Haisst! Bahala ka sa buhay mo Calvin, di ko na lang sayo ipapakita to. Mukhang hindi to makakatulong sayo baka magpakamatay ka pa. Mabuti pang wag mo na to mabasa pa, madelete nga. Isa pa, sabi niya wag daw ako magsalita. -_-

*knock*

"Sir Calvin, kumain na daw po kayo. Nakahanda na po ang mga pagkain sa baba."

Lumabas na ako sa kwarto niya at bago ko pa maisara ang pinto...

"G*GO KA MATT! BASTA PAGKAIN, ANG BILIS MO!"sigaw niya. Hahaha. Sabi mo kasi wag magsalita. Tsk!

Bumaba na ako at pumunta na sa dining room nila. Malaki din ang dining table nila pero mas malaki ang sa amin.

Maya-maya sumunod na rin si Calvin. Halatang inayos niya muna ang sarili niya bago bumaba. Ibang-iba ang aura niya kanina sa kwarto. Kumain na ako kasama si Calvin at pamilya niya. Sobrang tahimik ng paligid at sanay na ako dun. Lagi namang ganun since may family problem din ang mokong. Hay! kawawang Calvin, sawi na sa pag-ibig pati pa sa pamilya. Tsk.

Pagkatapos nun nagpaalam na ako sa pamilya niya at hindi ko pa rin siya kinakausap. Sabi niya eh! Papasok na sana ako ng kotse ng biglang tinawag niya ako.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon