Crazy Chap 32

51 9 6
                                    

Julie's POV


"Oh anong gagawin natin ngayon?" sabay hagis sakin ng plastic na puno ng gummies. Wala talagang galang.

"Ano pa ba. Yung script! Bat ba kasi ang tagal mo?! Edi sana dapat kanina pa tayo nakapagsimula." kainis. Papapuntahin ko ba siya dito kung wala naman kaming importanteng gagawin.

"Eh kung hindi mo ko pinabili ng pagkain bago makarating dito sa bahay mo, di sana kanina pa ko nandito." hayyy nakakainit ng ulo. So kasalanan pa ng gummies? 

"Sino ba kasing nagsabing bumili ka ng sandamakmak nito?!" ano bayan sakit sa ulo. Konti nalang mapapalayas ko na siya eh.

"Putcha! Sabi mo kase, assorted. Kung ayaw mo amina ako ang kakain. Tsss arte." sabi niya. Naka-kotse naman siya nung dumating dito. Sabihin niya, kinalimutan niya lang talaga yung usapan. Palusot niya bulok. Nakita ko kaya siyang nakikipagchickahan pa dun sa babae sa kanto. Ngiti ngiti pang nalalaman sabugan ko sila ng canyon eh.

Oo, pinapunta ko siya dito pano ba naman kase, hindi pa nasisimulan yung script. Eh yun dapat yung inuuna. Ito naman kasing si Brian, ang tamad tamad. Pinapa-isip ko na ng concept tsaka ng flow ng story eh puro bukas ng bukas. Isa nalang talaga hindi na siya aabutan ng bukas. Sinasayang niya oras ko.

"Tsss bat ba ang init ng ulo mo. Malulusaw yung gummies niyan." sabay tabi sakin sa sofa. Lapit pa ng mabatukan na kita. Umalis pa naman yung mga tao dito sa bahay kaya ako lang mag-isa pwedeng pwede ko siyang peltokan.

"Balik mo na nga kung ayaw mo. Daming inarte." ayan nabatukan ko siya. Pinabili ko tapos babawiin niya. Nilayo ko yung plastic tsaka kumuha ng limang piraso saka sinubo ng sabay sabay.

"Manigas ka." 

"Tssss. Takaw. Okay lang may mallows naman ako." sabay labas niya ng dalawang pack ng mallows galing jacket niya. Weyt. Pano yun nagkasya?

"Wala akong pake." sagot ko. 

"May naisip na ko sa script." -Brian

"Asan? Pabasa." tanong ko.

"Naisip ko pa lang. Wala naman akong sinabing may nasulat na ko." sinamaan ko nalang siya ng tingin. Tinatamad na ko mamalo ako lang nasasaktan. Tigasin wengya.

"Anong naisip mo? Pwede pakideretso na? Kung kalokohan yan. Wag na. Baka masupalpal ko lang yang bunganga mo." sabi ko habang nilalantakan yung mga gummies.

"Ganto mangyayari." panimula niya.

—————————————————————————-

"Waching waching! Ano suko ka na?! *sigaw nung kawal*" sabay bato ko ng mallows sa mukha niya.

"Laura! Suko na ko. Suko na ko. Ngunit hindi pa rin ako susuko sa pagmamahalan nating dalawa!" sabay kain ng gummies nitong Brian na toh. Aba nakakarami na siya ah.

"Jorante, alam mo namang hindi payag sa ating relasyon si ama. Bitawan niyo ko! *nagpupumiglas sa mga kawal* Alas siete Jorante! Mag-aabang ako! *at tuluyan na siyang dinala ng mga kawal*" pagbasa ko sa sunod na linya sa script.

"T-teka! Teka Laura! Gabi o umaga? Laura!" pagbasa ni Brian sa sunod na linya.

"Brian ang cornie. Bagay ba toh kala Jake tsaka Ally? Hindi naman siguro. Maka-luma." pag-disangayon ko. Romeo at Juliet lang ang peg na hinaluan ng ibong adarna. San niya naman yun napulot.

"Bagay yan sa kanilang dalawa. Lalo na kay Jake with feelings pa yun. Kung ayaw mo edi gumawa ka ulit." -Brian

"Wag kase yung cornie."

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon