Crazy Chap 26

41 7 7
                                    

Ally's POV

Grabe! Talgang nastress ako ngayon. Dati hindi naman eh, meron kasing part time tapos may practice pa ng dance troup. Eto namang si Jake isa pang dumadagdag sa problema ko. Di pa pala namin nasisimulan yung project . Hay nako!

Lumipas ang ilang mga araw at ganun lang paulit-ulit ang nangyayari. Tuwing MWF ay may part time kami kaya hindi ako nakaka-attend ng practice namin sa dance troup. Sana wag naman akong matanggal di bale hanggang this week na lang naman na iyon eh.

Monday ngayon at this time ay free time namin. Absent kasi si Ms. Vegalan at wala namang iniwang gagawin kaya eto kami ngayon pagala-gala.

"Beng, dun muna tayo sa CUG. Napapagod na ako, kanina pa tayo naglalakad tapos ang init-init pa."-Meg

"Eh, mamaya na. Ang boring naman kung uupo tayo. Hindi ka lang kase sanay Meg."sagot ko

"Ahhh. Ally, sa tingin ko tama si Meg. Kanina pa kasi tayo dito lakad ng lakad tapos sobrang mainit. Eh, sa totoo nga niyan nauuhaw na ako eh."-Julie

"P-pero kasi ayoko pa talagang umupo eh."sabi ko.

"Naku Ally. Pwede bang magpahinga muna kami kahit saglit lang kasi nakakapagod na talaga eh. Tapos mangingitim pa ko nito, sayang yung mga sabon ko, mahal pa naman yun. Joke. Hahaha. Pero seryoso, pwede bang magpahinga muna tayo kahit saglit?"-Brie

"Okay, fine. Pero pwede wag tayo sa CUG? Ayoko kasing kulob eh, tapos pawis pa tayo baka mamaya matuyuan tayo dun ng pawis."ako na ang nanay. Hahaha. Syempre, ako ang pinakamaganda este pjnakamatanda sa amin kaya kailangan kong maging responsible na ate sakanila.

"Wow naman. Okay Nanay Ally hindi tayo sa CUG pero saan?"-Brie

"Hmm. Pwede tayo dun sa may field. Bihira na lang tayo dun nakakatambay eh, nakakamiss dun."Good suggestion Meg

"Oo nga. May lilim naman dun di ba? Tsaka mas maganda dun, fresh air tsaka tahimik. May lilim naman eh."-Julie

"Okay, so field tayo ah."sabi ko.

"Hep. Bago yun, tutal malapit tayo sa canteen, pwede bang bumili muna tayo ng tubig? Nauuhaw na talaga ako eh."pakiusap ni Julie.

"Sige, basta bilisan mo ah."-Brie

"Ang sabi ko TAYO hindi ako lang. Ano kayo, sinuswerte? Pagdadalhin niyo ako ng tubig niyo mag-isa?"ayan na naman tong si Julie. Galit na naman.

"Eh sorry naman. Akala ko naman kasi kaya mo na eh."-Brie

"Maraming nagkakamali sa maling akala..."seryosong sabi ni Meg.

O_O

Ganyan lahat ang tingin namin kay Meg.

"Ah. Hehehe. Kayo naman mga beng, masyado kayong seryoso."pagbasag niya sa katahimikan namin.

"Ang deep naman kasi nun Meg."sabi ni Julie

"Oo nga, naman. Saan mo ba yan nahukay?"-Brie

*glare*

"Ikaw naman. Hindi na mabiro, hehehe."kinakabahang sabi ni Brie.

"Hay naku! Tara na nga. Mauubos oras natin."sabi ko saka bumili na kami ng tubig sa canteen.

Dumiretso na din kami sa field. Hay! Tama si Meg, nakakamiss nga tong lugar na to. Humiga kaming apat sa damuhan, malinis naman eh. Medyo mahangin din tapos may lilim kaya relax na relax kami dito.

"Beng knock knock. "sabi ko.

"Sinong tao? Wala dito ang susi kunin mo sa kapitbahay." pabirong sabi ni Meg. Naku! Talaga naman, sarap sabunutan.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon