Crazy Chap 13

58 7 1
                                    

Brie's POV

"Next Hernandez! Serve!" sigaw nung coach ng volleyball varsities. Nagta-tryout ako ngayon para sa volleyball nakita ko kasi sa bulletin board kanina na kukuha sila ng 12 players. 8 players para sa trainee apat naman daw ang kukunin diretso varsity nag-quit daw kasi yung isa yung tatlo naman, grumaduate na.

"Hoooo kaya mo toh Aubrie Karyn tiwala lang." sa totoo lang hindi ko maintindihan bat ako kinakabahan ng konti. Dahil ba ang taray ng coach, tapos nanonood lahat ng volleyball varsity players sabayan mo pa ng mga babaeng nanonood na epsing hindi daw mapapasok tong serve ko ano sila mga fortune teller? Sarap isa isang tadyakan eh.

*(whistle) Prrrrrrrrrrrrrrrtttttt*

Naghandsignal na rin yung coach. 

*WAPAK*

"Yes pasok." bulong ko sa sarili ko. Hindi na ko sanay mag underhand serve kaya spike nalang. Pero sa di inaasahang pangyayari, napa-jump serve ako. Tama lang naman yung ginawa ko kasi tinaasan talaga nila yung net. Kung hindi ako nag-jump serve malamang sinalo lang ng net yung tira ko.

After serving, pinapila kami isa isa para sa blocking and tossing. Okay lang naman kinalabasan pumalya nga lang pagdating sa blocking. Ang taas kaya ng net! Hindi ko naman talaga pinapangarap maging blocker kasi nga yung height ko panira. Okay na yung libero pwede na rin hitter joke lang o kaya setter o kahit tosser nalang basta kahit ano naman eh. Sinalang din kami versus varsities anim anim kada batch. Maganda naman kinalabasan kaso dito na ko nagkasugat-sugatan hindi ko kasi dinala yung kneepad akala ko naman kasi volleyball hits lang ipapagawa yun pala may laro.

Marami-rami rin nagtryout tatlong batch bale eighteen lahat. Mag-gagabi na actually gabi na nga eh baka mga around seven na. Andami kasing pinagawa eh tapos isa isa pa. Bale last batch na ngayon yung naglalaban after nito, last meet kay instructor tapos dismissal na. Pano kaya ako uuwi tinext ko si mama na huwag na kong sunduin kasi walang eksaktong time anong oras kami papauwiin eh. Malayo pa naman sakayan papuntang terminal ng jeep. 

*prrrrrrrrrrrrrrtttttttttttt*

"Okay listen para makauwi na tayo agad." panimula ni coach nung makalapit kaming lahat sa kanya.

"Maganda ang performance na pinakita niyo this tryout. Sa mapipili, sana naman, kung ano yung nakita namin ditong coordination niyo sa loob ng laro ganun din sana pag naging official player na kayo which is magtatayo ng bandera ng school. Twelve ang mapipili, walong trainee and apat na official pasok agad sa varsity. Kung sino man yung anim na matatanggal, wag kayong magtanim ng galit o sama ng loob o kaya naman mawalan ng pag-asa kasi lahat kayo magagaling, deserving at maykakayahang mapainit ang laro sa loob ng court. Announcement will be posted sa ating bulletin board. Tingnan niyo nalang doon tomorrow. Good luck, and thank you sa pagt-tryout you may now dismissed."

"Thank you coach." sabay sabay naming sabi. 

Kinuha ko na yung gamit ko. Dahil uhaw na uhaw nako, uminom muna ko sa drinking fountain bago umalis. Nagsipuntahan din sila sa c.r para magpalit ng t-shirt kaya sumunod na rin ako. Pawis na pawis na kasi yung suot kong damit. Medyo may naging ka-close na rin ako yun yung mga naging ka-batch ko kanina sa laro. Yun nga lang hindi daw dun yung daan nila pauwi kaya no choice mag-isa ako uuwi. Pagkapalit ng damit, siyempre girls routine- ponytail, powder, cologne. Yan fresh na ulit.

"So, tara na ate Brie sabay sabay na tayo pumuntang gate." sabi ng isa sa mga naging kaibigan ko sa laro kanina. Sabay sabay kaming lima lumabas kaso yun nga, iba-iba direksyon namin pauwi kaya wala rin akong kasabay maglakad. Tumingin ako sa orasan ng guardhouse ng school 7:36 na. Madilim na rin sa labas pero kering-keri yan maglakad tiwala lang.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon