Crazy Chap 30

48 6 10
                                    

Crazy Note:

Hi Guyths! Happy 30th Chapter. Alam ko naman na konti pa rin ang nagbabasa nito dahil sa slow update. Im very very very sorry for this. Thank you dun sa mga sumusuport sa story. Lovelots...

Calvin's POV

*kriiingggg kriiiiinngggg*

"Tara pre palit na tayo t-shirt ang babaho niyo na." hingal na hingal na sabi ni Brian saka humabol ng last shoot sa ring. Gagsti talaga to kala mo kung sinong mabango. 

"Bango mo ah." sabi ko kay Brian saka nilapitan si Jake na kasalukuyang umiinom ng tetra pak ng chocolate drink.

"Nainom ka pa rin niyan? Kalabaw na nags-skateboard sa chocolate." pang-aasar ko kay Jake. Katawa yung tsura niya eh nainom habang nakatingin sa nagalusan niyang braso na hindi ko alam kung saan galing.

"Sira ulo. Baka toh hindi kalabaw.." sagot niya habang iniinspect pa rin yung braso niya.

"Anyare diyan dre? Kinalmot mo sarili mo? Haha!" pagsingit ng kakarating na si Matt. Kasama niya na rin si Brian bitbit na yung bag nila. Aba ang daya nakuha na nila bag nila.

"Wala lang toh bunga ng pagmamahal. Tara Calvs kunin na naten yung bag ang daya nung dalawa eh." sabay tayo. Tungunung ang cornie nentong Jake na toh. Sumama na rin sila Matt.

"Dre punta tayo cafe. Wala namang pasok bukas eh." -Jake

"Ano namang gagawin don tsss. Sa Roastbeef house nalang nagugutom na ko eh." -Brian

"Ayoko ko rin ang boring. Lagi namang cake yung kakainin don tapos natikman ko na lahat ng flavors dun." -Matt

"Arte niyo naman. Meron daw kasing bagong labas na flavor gusto kong matikman." sus kunwari pa tong si Jake gusto lang naman makita si Ally. Napaka-updated sa ginagawa ni Ally. Oo alam ko na may trabaho sila ngayon. Updated kaya ako kay Brie.

"Oo nga naman. Free taste daw eh limited edition. Tsaka ang layo ng Roastbeef House. Magkaka-ulcer ka na di pa rin tayo nakakarating." dagdag ko para makumbinsi yung dalawa. Atleast totoo naman mga pinagsasabi namin. Yun kaya nakalagay dun sa blackboard ng cafe.

"Edi pizza nalang. Order din tayo tortilla tapos isang case ng softdrinks. Tas movie marathon sa bahay. Hindi ko kasi trip ngayon yung pagkain sa cafe. " -Brian

"Tch junkfoods pre. Sayang nandon pa naman si Julie. Order na nga tayo ng pizza." -Jake

"Sige sa susunod na nga lang." -Brian

"Yung alin?" -Matt

"Yung movie marathon. Diba may limited edition sa cafe? Sayang naman yun." ang epic talaga ni Brian. Bigla ba naman nagbago yung isip.

"Sira ulo! Narinig mo lang pangalan niya pumayag ka na. Hindi ako sasama kayo nalang." -Matt

"Lul hindi kaya dahil don. Ano namang pake ko dun. Gutom na ako, kaya mas pinili ko nalang yung mas malapit na kainan. Tara na." sabi ni Brian saka dumiretso na papuntang c.r

"Hoy Matt hindi ka sasama? Wala ngayong tao sa bahay niyo diba? Sige mamatay ka sa sobrang boring. Bye dude! " sabi ko sabay tap sa balikat niya. Sumunod na si Jake kay Brian kaya sumunod na rin ako.

"Hoy! Hintayin niyo ko mga ungas!" sigaw ni Matt sa malayo kaya nagsitakbuhan kaming tatlo saka siya pinagsaraduhan ng pinto.

Julie's POV

"Waiter! Isa pa ngang order ng limited edition niyo. Thanks! Haha"

Isa nalang talaga mapupuno na ko sa mga toh eh. Last na nga ng trabaho pinapahirapan pa kami. Okay na sana yung huling araw eh. May mga epal lang talagang nagsidatingan. Isa nalang talaga. Isa nalang.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon