Simula

56 4 0
                                    

(A/N) :This story might have some typographical and grammatical errors. Hindi din po ako nag lalagay ng warning sa mga chapter na bawal sa bata.

"Napaka ganda mo talaga aking binibi."nakangiting aniya habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang kamay

Napaka swerte ko talaga dahil naka hanap ako ng lalaki na tulad nya.

Hindi lang sya may itsura,kundi may maganda ding kalooban kaya't napaka daming binibini ang naghahangad sa kanya.

"Bakit ako Reuben?Napaka daming babae ang mas maganda at mas matalino sa akin pero bat ako ang iyong pinili?"tanong ko sa kanya

Anak lang din ako ng isang mag sasaka at sya naman ay anak ng isang maharlika.Madaming may ayaw sa relasyon namin dahil napaka layo daw ng estado ng buhay namin sa isa't isa.

Bahagya naman nyang hinaplos ang aking mukha at saka ngumiti.

"May isang bagay kasi na mayroon ka na wala ang iba...iyon ay ang pagiging mabait kahit na inaapi ka nila.Para sa akin ay kakaiba ka sa lahat ng babae.Ikaw ang pinaka magandang babae na nakita ko sa buong buhay ko."aniya

Bahagya naman akong umiling at saka bumangon sa pagkaka higa sa kanyang hita.

"May mas maganda at mas mabait sa aking babae Reuben at higit sa lahat ay isa lamang akong hampas lupa kumpara sa mga babae na nag hahabol sa iyo.Mas tanggap sila ng mga magulang mo kaysa sa akin."

Bahagya naman syang napatawa sa aking sinabi at saka hinawakan ang aking mag kabilang pisngi.

"Para sa akin ay ikaw ang angat sa kanilang lahat at aanhin ko naman ang mayaman na mapapangasawa kung hindi ko sila mahal.Hayaan mo at balang araw ay tatanggapin din tayo ng mga magulang ko...handa kitang ipaglaban kahit kanino."

Agad namang tumulo ang mga luha ko ng maalala ko na naman ang mga pangyayaring iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na naiwan ko sya sa panahong iyon.

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon