Kabanata 12

8 3 0
                                    

Halos naging kalahating araw ang naging byahe namin kaya halos lahat kami ay pagod at inaantok.

"Baby tabi ka na sakin."saad ni Raven at saka hinapas hampas pa ang kama.

Sa iisang kwarto kami matutulog kasi wala na daw ibang room.

Iisa lang din ang kama kaya wala akong choice kundi ang tumabi sa kanya.

"Tulungan mo nalang ako mag ayos ng gamit natin."wika ko at saka inilagay ang mga gamit ko sa loob ng closet.

Kinuha ko naman ang bag nya at saka inilabas ang mga damit nya para ilagay din doon.

Puro trunk shorts ang dala nya at sando.

Naramdaman ko ang presensya ni Raven sa likod ko kaya nilingon ko kaagad sya.

"Baby."malambing na aniya at saka ako niyakap.

Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko at saka hinalik halikan.

"I want a baby."mahinang aniya at saka tumingin sa akin.

His eyes were full of sincerity.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at saka pinatakan ng halik ang labi nya.

Nagulat sya sa ginawa ko pero agad naman syang ngumiti at saka ipinulupot ang kanyang braso sa aking bewang.

"I'm not ready yet.Gusto mo na kaagad mag ka baby eh wala pa nga tayong relasyon."natatawang sabi ko

Naging seryoso naman ang mukha nya at saka ngumuso.

"Were already in a relationship.Kasal nalang ang kulay satin."aniya

Tinulungan ako ni Raven na ayusin ang mga gamit namin para maka tabi na nya ako matulog.

Kanina pa kasi nya ako inaaya na matulog sa tabi nya pero hindi ako napayag dahil hindi ko naman pwede na pabayaan lang yung mga gamit namin na naka kalat lang.

"Good night kiss?"tanong nya sa akin ng mahiga kami.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para bigyan sya ng mabilisang halik sa labi pero agad nyang hinawakan ang mag kabilang pisngi ko para hindi maka alis ang labi ko sa labi nya.

Medyo itinabingi nya ang ulo nya para mas mahalikan ako ng maayos.

Nang matapos nya na akong halikan ay pinag dikit nya ang noo namin at saka bahagya syang ngumiti.

"I love you."aniya at saka pumikit

Bumaba baba ako at saka sya niyakap.

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya.

He smell so good talaga.

Talagang lalaking lalaki ang amoy nya.

Naramdaman ko na hinalikan nya ang ulo ko kaya mas hinigpitan ko ang pag kakayakap ko sa kanya.

Rinig na rinig ko ang mabilis na pag tibok ng puso ni Raven.

Parang pag pinag sama ang puso naming dalawa ay mag karera iyon dahil parehong mabilis na natibok.

Nagising na lamang ako ng maramdaman na may nahalik sa aking labi.

Kanina ko pa nararamdaman na may namimiyesta sa labi ko kaya unti unti kong iminulat ang aking mata.

Bumungad sa akin si Raven na naka pikit pa habang paulit ulit na pinapatakan ng halik ang labi ko.

Mahina kong hinampas ang kanyang pisngi kaya napa tigil sya sa kanyang ginagawa.

Iminulat nya ang mga mata nya kaya nag tama ang pamingin namin.

I love staring at his green eyes.

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon