Kabanata 4

22 2 0
                                    

"Tulala ka na naman."

Napatingin ako sa bagong dating na si Vera.

Halos mag iisang linggo na kami dito at talagang wala atang balak umuwi tong si Vera.

Halos gabi gabi ay natawag na sa akin ang aking sekretarya dahil kailangan na daw ako ng kompanya.

Sinabi ko na kay Vera na kailangan ko ng umuwi pero ayaw man lang nya ako pakinggan at sinasabi na kailangan ko daw munang mag relax.

"Kailangan ko ng bumalik."mahinang wika ko

She just rolled her eyes at me at saka tumabi sa akin.

"Mag relax ka naman kahit one month lang.Sinabi sa akin ng lola mo na halos hindi ka na nga daw kumain dahil masyadong inaatupag mo ang trabaho mo."aniya

Napa buntong hininga na lamang ako sa sinabi nya.

"Mag pahinga ka naman Avani."aniya at saka lumabas ng kwarto

Naka pag pahinga na naman ako ah.Ayos na sa akin ang isang linggo na pahinga.

Lumipas ang ilang oras at lumabas muna ako para mag libot libot ng bigla na lamanh may yumakap sa akin mula sa aking likuran.

Naramdaman ko ang pag dampi ng kanyang labi sa aking balikat kaya dali dali kong inilayo ang sarili ko sa kanya.

Nakangiti syang nakatingin sa akin habang hawak hawak ang isang pungkos ng rosas.

Unti unti syang humakbang palapit sa akin pero agad naman akong tumakbo palayo sa kanya.

Nadagdag pa sya sa isipin ko sa buhay.

Simula nung nag kita kami ay halos lagi ko na syang nakikita sa paligid.Pag nag kikita kami ay may dala lagi syang rosas at pilit na ibinibigay sa akin.

"Avani."tawag nya sa akin

Tumigil naman ako sa pag takbo at saka sya hinarap.

Nang maka lapit na sya sa akin ay inabot nya sa akin ang dala nya pero tinitigan ko lamang iyon.

Laging ganto ako sa kanya.Hindi ako nag papakita ng kahit anong emosyon pag kaharap ko sya.

"Kakapitas ko lang nyan sa hardin ng kaibigan ko."aniya habang pilit na ini aabot sa akin iyon

Nagulat na lamang ako ng bigla nyang bitawan ang rosas na hawak nya at saka ako hinila palapit sa kanya.

Lalayo pa sana ako ng yakapin nya ako at saka hinalikan ang aking ulo.

Kailangan ko syang itulak pero hindi gawin ng kamay ko ang gusto ko.

Parang may sari sariling buhay ang bawat parte ng aking katawan.

Gusto ng braso at kamay ko na yumakap pabalik sa kanya pero ayaw ko naman.

"Bat ganto kana?Nag iba kana."mahinang aniya habang hinihimas ang aking buhok

Ni hindi ko magawang maka sagot sa mga sinasabi nya.

Nang humiwalay na sya sa akin ay bahagya naman syang ngumiti at saka biglang hinalikan ang aking pisngi.

Gustong gusto ko syang sampalin pero parang walang buhay ang pareho kong kamay.

"Avani."

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni Vera.

Agad ko syang nilingon at ganon nalang ang gulat ko ng makita sya sa tabi ko habang nakatingin kay Raven.

"Boy friend mo?"naka ngiting tanong nya habang naka tingin kay Raven

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon