Nagulat na lamang ako ng makita ko si Raven sa harapan ng pintuan ng unit ko.
May dala na naman syang rosas habang naka ngiti ng pag lawak lawak sa akin.
"Bat ka andito?"takang tanong ko
Naka suit na naman sya at paniguradong papasok na siguro sya sa trabaho dahil basa pa din ang kanyang buhok.
"Idadaan ko lang to."aniya habang naka tingin sa dala nya
Napa buntong hininga naman ako at saka kinuha iyon sa kamay nya at saka tumingin sa kanya.
"Nakuha ko na kaya pwede ka ng umalis."saad ko
Bahagya naman syang napa nguso at saka tuluyan ng umalis.
---
"Madam nasa loob po ng opisina nyo si Miss Vera."salubong sa akin ng aking sekretarya.
Agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
Wala namang sinabi si Vera na bibista sya sa akin eh.
Nang maka rating na kami sa loob ng opisina ko ay doon ko nakita si Vera na kasama ang dala nyang anak.
"Ayun si ninang oh."turo ni Vera sa mga anak habang naka turo sa akin
Dali dali namang lumapit sa akin sina Vivien at Vince.
"Ninang."naka ngiting wika nila at saka yinakap ang aking mag ka bilang binti.
Sabay ko silang kinarga kaya muntik na akong matumba,mabuti na lamang at inalalayan ako ni Brianna mula sa likod.
"Ang laki laki nyo na."saad ko
Nung huling kita ko pa sa kanila ay bagong labas palang sila kaya talagang maliit pa sila non tas ngayon ang laki laki na nila.
"Gumawa ka nga din ng bata para may masabihan din ako nyan."komento naman ni Vera
Napa irap na lamang ako sa sinabi nya bago ibaba yung dalawa.
"Wala pa sa isip ko ang mag karoon ng pamilya.Ni wala pa nga akong boy friend tas pag gagawain mo na kaagad ako ng bata."saad ko
Naupo naman ako sa tabi ni Vera at saka ibinaba ang bag ko.
"Mahirap tumandang dalaga...pati diba gusto na ng lola mo na mag asawa kana?Sundin mo na ang lola mo habang nandito pa sya sa tabi natin."
Napa buntong hininga na lamang ako at saka muling nag salita.
"May hinahanap ako sa isang lalaki na hindi ko mahanap sa kahit sino.Noon pa man ay gusto ko ng mag karoon ng karelasyon pero talagang tutol ang puso at isipan ko."
"Si Raven?He's an ideal type...gwapo at mukha namang mabait.Sa tingin ko ay mayaman din si Rave.Sya nalang kaya,mahal na mahal ka din nya."
Raven na naman.
Gusto kong kalimutan lahat ng naalala ko sa aking nakaraan.
Hindi sa ayoko si Raven pero naaalala ko sa kanya si Reuben.Bawat kilos at galaw nya ay sya ang na aalala ko.Halos lahat ng gawin nya ay si Reuben ang na aalala ko.Napaka dami din nilang pagkakapareho kaya ayoko syang makita.
"Hindi ko sya gusto."simpleng sabi ko
Siguro nga ay masyado ng namahid ang puso ko dahil sa aking nakaraan.
Maalam naman akong mag mahal pero para sa mga kaibigab at pamilya ko lang ang pag mamahal ko.
Ni minsan ay hindi ko na naranasan na muling umibig sa ibang lalaki.
BINABASA MO ANG
19th Life
Storie d'amoreAvani is living in her 19th life ng makita nya muli ang lalaki na minahal nya noon. At first,ayaw nyang mag kita muli sila ngunit talagang mapaglaro ang tadhana.Pinag sama uli sila na para bang ibinabalik ang mga pangyayari noon.