Kabanata 3

25 2 0
                                    

"Madali lang ako."paalam ko kay Vera at saka nag madaling umalis doon

Alas otso na ng gabi at balak kong kitain kung sino man ang nagpa bigay ng rosas sa akin kanina.

Wala akong pake kung mapahamak man ako o hindi ang mahalaga ay makita ko kung sino sya.

Nag madali akong mag punta sa may tabing dagat at laking pasasalamat ko ng makita na may iilang tao ang nag lalakad pa.

I wanted to see him.

"Tignan mo oh...napaka daming mag kasintahan ang naglalakad din sa tabing dagat katulad natin."nakangiting aniya habang naka tingin sa paligid

Inaya akong lumabas ni Reuben.

Pag katapos naming kumain ng hapunan ay niyakag nya ako sa may tabing dagat.

Isa na din siguro ang lugar na ito sa naka saksi sa aming pag mamahalan.

Madalas kaming pumunta dito kapag wala na kaming ibang mapuntahan na lugar.Mas gusto ko din dito dahil masarap ang simoy ng hangin.

"Sana araw araw tayong ganto."rinig kong bulong nya

Mapait akong napa ngiti at saka hinawakan ang kamay nya.

"Alam mong hindi pwede...hayaan mo ay mag aaral ako para mag karoon ako ng magandang trabaho para tanggapin ako ng mga magulang mo."wika ko

Napagtano kong patuloy sa pag agos ang mga luha ko.

All i wanted is to be with him pero pinag kait sa akin iyon.

Gusto kong bumalik sa panahon na iyon kahit mahirap lamang ako.Mas gugustuhin ko pa na mababa lang ang tingin ng tao sa akin kaysa sa panahon ngayon na mataas na nga ako pero wala naman sya.

"Miss."

Agad kong pinunasan ang aking luha at saka hinarap ang tumawag sa akin mula sa aking likuran.

Parang gusto ko na lamang muling umiyak ng makita ko ang mukha ng nasa harap kong lalaki.

Kamukhang kamukha nya si Reuben.Bawat sulok ng kanyang mukha nya ay mukha ni Reuben ang nakikita ko.

Laking gulat ko na lamang ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya at saka ako niyakap.

Sa kina tagal tagal ko ng nabubuhay sa mundo ay ngayon na lamang ako muking nakaramdam ng pagiging ligtas ko sa isang bisig ng isang tao.

Nang naramdaman ko na unti unti ng lumuwag ang pag kakayakap nya sa akin ay agad kong inilayo ang sarili ko sa kanya.

He's smiling while looking at me.

"My Arabella."aniya at saka muli akong niyakap

Damnnn

Is this real?

Kaya pala napaka laki ng pangamba sa aking puso tungkol sa bulaklak kanina.

"Finally....matapos ang isang daan at limampu't pitong taon kong pag hihintay ay nakita na kitang muli."aniya at saka mas humigpit ang kanyang yakap

"Arabella."nakangiting tawag nya sa akin at saka ako niyakap ng pag ja higpit higpit

Talagang paborito nya akong yakapin lalo na pag matagal kaming hindi nag kita.

"Halos isang linggo din tayong hindi nag kita.Dapat talaga ay tapusin ko na kaagad ang aking pag aaral para mag karoon na ako ng sarili kong buhay at para maka pag sama na tayo."aniya at saka unti unting nikuwagan ang yakap sa akin

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon