Lumipas ang mga buwan at mas naging protective sa akin si Raven.
Mas lalo nga din ata syang naging clingy.
"Baby." malambing na pag tawag nya sa akin mula sa kusina
Nilulutuan nya ako ngayon ng sinigang na hipon.
"Bakit?" sigaw ko pabalik
Hindi sumagot si Raven kaya napa tayo naman ako sa pagkakaupo ko sa sofa at saka nag tungo sa kusina.
Naabutan ko sya na pawisang pawisan habang naka tutok sa kanyang niluluto.
Lumapit naman ako sa kanya at saka sya iniharap sa akin.
Pinunasan ko ang pawis sa noo nya gamit ang palad ko at saka sya ginawaran ng mabilisang halik sa labi.
"Kawawa naman ang baby ko." wika ko habang tinitignan ang mukha nya na mukhang pagod na pagod na.
Kagagaling nya lang sa trabaho tas uuwi sya sa condo ko para ipag luto ako.
Pinatigil nya kasi ako sa pag tratrabaho dahil malaki na ang tiyan ko, sya tuloy ang kawawa sa amin dalawa dahil pag kagaling nya sa trabaho ay kailangan nya pa akong alagaan pag ka uwi nya.
Pagod na ngumiti si Raven at saka medyo bumaba na konti sapat na para maging kaharap nya ang tiyan ko.
"Para naman sa dalawa kong baby kaya ayos lang kahit mapagod ako ng sobra." aniya at saka hinalikan ang aking tiyan
Muli syang umayos ng tayo at saka ako hinalikan sa labi.
"I love you." aniya at saka muling ibinalik ang atensyon sa kanyang niluluto.
Lihim akong napa ngiti at saka muling bumalik sa sala.
Nag titingin ako sa internet ng mga pwede kong mabili para sa bahay namin.
Nung isang buwan pa natapos ang bahay namin pero hanggang ngayon ay wala pa ring kagamit gamit.
Gusto daw ni Raven na ako ang mamili ng bawat gamit sa bahay namin.
Napa tingin ako sa harapan ko ng mag baba si Raven ng plato doon.
"Kakain na." naka ngiting aniya at saka muling bumalik sa kusina
Pag balik nya ay dala nya na ang niluto nya at ang isang platong puno ng kanin.
Nang mababa nya sa Coffee table iyon ay naupo sya sa tabi ko at saka isinandal ang sarili sa akin.
"Baby." malambing na pag tawag nya sa akin.
"Hmmm?"
"I love you... hinding hindi ako mag sa sawa na sabihin sayo araw-araw iyon." aniya at saka pinatakan ng halik ang balikat ko at saka umayos ng upo.
Nag simula na kaming kumain at naging tahimik lamang ang pagkain namin lalo na at alam ko na pagod si Raven kaya ayaw ko syang kulitin.
Nang matapos kaming kumain ay nag ptisinta ako na mag hugas ng pinag kainan namin kaso agad tumutol si Raven doon.
"Mag pahinga ka lang, baby. Hayaan mo na ako na ang gumawa lahat." aniya at saka dinala ang pinag kainan namin sa kusina.
Nag tungo na lamang ako sa kwarto namin at saka nahiga sa kama.
Halos araw araw nalang kaming ganon.
Ayaw na ayaw nya na nakikita na gumagawa ako ng mga gawaing bahay.
Maski ang simpleng pag wawalis ng sahig ay ayaw nya ipagawa sa akin at ayaw nya daw akong mapagod.
Napa tingin ako sa may pintuan ng biglang pumasok si Raven.
BINABASA MO ANG
19th Life
RomanceAvani is living in her 19th life ng makita nya muli ang lalaki na minahal nya noon. At first,ayaw nyang mag kita muli sila ngunit talagang mapaglaro ang tadhana.Pinag sama uli sila na para bang ibinabalik ang mga pangyayari noon.