"Madam, pina bibigay daw po ng lola nyo." ani Brianna pag kapasok na pagka pasok sa opisina ko.
Napa tingin naman ako sa dala nyang plastic at napataas ang isa kong kilay.
Hindi naman nag pagpadala si lola ng pag kain eh.
"Dalhan din nyo daw po si Sir Raven."
Sabi na nga ba eh.
Simula pa kahapon nung malaman ni lola na si Raven ang ama ng dinadala ko ay naging ganon sya.
Kahapon pa nya ako kinukulit na Maki pag balikan na daw ako kay Raven para may kasama ako habang nag bubuntis.
Nang mag alas onse na ay kinuha ko na yung pinadala ni lola at saka lumabas ng opisina ko.
Siguro ay pag balik nalang ako kakain ng tanghalian. Maaga pa din naman kasi.
Nang maka labas ako sa kompanya ko ay nag tingin tingin pa ako sa paligid kung may nadaan na sasakyan.
Mukhang minamalas ako ngayong araw at ni isa ay wala man lang akong makita.
Mag ka salubong ang kilay ko na nag lakad sa daan patungo sa kompanya ni Raven.
Mabuti ga kung napaka lapit lang non. Halos tatlong kanto pa bago maka punta sa kompanya nya.
Nang makarating ako sa harapan ng kompanya nya ay hinarang pa ako nung guard at tinanong pa kung mag aano daw ako doon.
Sinabi ko lang na may importante akong sasabihin kay Raven at pinapasok din naman kaagad ako.
Mas malaki ang kompanya ni Raven kesa sa kompanya ko. Mas sikat din naman kasi ang kompanya nya kesa sa akin.
Napa tingin ako sa lalaki na lumapit sa akin.
Sa tingin ko ay mas matanda sya ng ilang taon sa akin.
"Anong kailangan nyo po? Secretary po ako ni Sir Raven." aniya
"May sasabihin ako kay Raven." wika ko
Tumango tango lamang aya at saka nag simulang mag lakad.
Agad naman akong sumunod sa kanya habang dala dala ang plastic na may laman na pagkain.
Tumigil kami sa harapan ng isang magandang pintuan na mukhang kinaroroonan ni Raven.
Dahan dahan nya na binuksan ang pintuan at saka ipinasok ang ulo nya.
"Paki sabi na Avani Cortez ang name ko." mahinang wika ko
"Sir." pag tawag nya kay Raven
Hindi ko alam kung ako ang nakikita nya dahil nasa may likod lang din naman nya ako.
"What?"
Sabay pa kaming nagulat ng marinig ang msla kulog na sigaw ni Raven.
"May nag hahanap po sa inyo."kinakabahang sabi ng sekretarya ni Raven.
" Pauwiin mo na, busy ako. "
Bago pa man maka pag salita uli yung secretary nya ay umalis na ako doon.
Narinig ko pa nga ang pag banggit ng sekretarya nya sa pangalan ko eh.
Malapit na ako makalabas ng may humawak sa braso ko at saka iniharap sa kanya.
" Baby. "aniya at saka ako niyakap .
Agad ko namang inalis ang sarili ko sa kanya at saka sya mariing tiningnan.
" Uuwi na ako, nakaka hiya naman sayo. Pasensya sa istorbo, hindi ko alam na busy ka. "wika ko na may sarkastikong tono.
" No, hindi na ako busy. Hindi ka istorbo sakin. "aniya at saka hinaplos ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
19th Life
RomanceAvani is living in her 19th life ng makita nya muli ang lalaki na minahal nya noon. At first,ayaw nyang mag kita muli sila ngunit talagang mapaglaro ang tadhana.Pinag sama uli sila na para bang ibinabalik ang mga pangyayari noon.