Kabanata 10

7 2 0
                                    

Papasok na ako sa opisina ko ng bigla namang may humila sa akin.

"Ano na naman?Kanina ka pa."inis na wika ko

Kanina nya pa akong sinusundan.

Pagkatapos nya akong yakapin ay nag tatakbo ako patungo dito perp sinundan pa rin nya ako.

"Kausapin mo naman ako."nag mamaka awang aniya at saka hinawakan ang kamay ko

Pakirandam ko ay nanlambot ang buong katawan ko ng hawakan nya ako.

Nakaka inis nga lang at nag kakaganito ako sa harapan nya.Dapat ay maging masungit pa lalo ako.

"Sorry about dun sa nang yari.Hindi ko naman alam na kaibigan mo pala yon.Nadala lang ako ng selos."paliwanag nya

Napa singhap naman ako at saka tinignan ang mga mata nya.

Puno ng lungkot ang mga mata nya.

Agad ko namang ibinuka ang aking braso at saka sya niyakap.

Ang rupokkkk

Hindi ko ata kaya na makita sya na nag kakaganito.

Nararamdaman ko yung lungkot nya.

Ramdam ko ang gulat nya sa pag kakayakap at saka ako niyakap pabalik.

Sa sobrang karupukan ko ay talagang pinatawad ko na kaagad sya at pinapasok pa sa aking opisina.

"Hindi ko alam na ikaw pala si Miss Cortez."aniya at saka naupo sa sofa

"Ako din,buong akala ko ay isang matandang lalaki si Mr.Alcantara."wika ko at saka tumawa

Ngumuso naman si Raven at saka tumayo.

Lumapit sya sa akin at saka ako niyakap.

I can't see my self na mag kakaganito uli.

Akala ko ay hindi na muling titibok ng napaka bilis ang puso ko dahil sa isang lalaki.

Naramdaman ko ang malambot nyang labi sa leeg ko kaya mariin akong napa pikit.

Agad kong inilayo ang aking sarili sa kanya at saka naupo sa sofa.

If he just wanted my body ay gusto kong sabihin nya na ng mas maaga.

Ayoko nung may pabigay bigay pa sya ng motibo na para bang napaka tino nyang lalaki.

"Katawan ko lang ba ang gusto mo?"mariin kong tanong sa kanya

Agad namang nangunot ang noo nya sa aking sinabi at saka nag madaling lumapit sa akin at saka naupo sa aking tabi.

"No."sagot nya at saka hinawakan ang kamay ko."God knows how much I love you.Hindi katawan mo ang gusto ko."

Inilapit nya lalo ang sarili nya sa akin at saka ako mahigpit na niyakap.

Nag tagal lang kami ni Raven doon ng ilang minuto at saka ko sya inihatid sa labas ng aking opisina.

"Puntahan kita dito bukas."aniya

Agad naman akong napa buntong hininga sa sinabi nya at saka umiling.

Sabi na nga bat magiging ganto sya pag nalaman nya na dito ako nag tratrabaho.

"Punta nalang ako sa condo mo.Miss ko na din ang baby natin."aniya at saka hinawakan ang magka bilang kamay ko

Tumango na lamang ako at saka sya hinila papunta sa elevator.

Kasama namin si Brianna kaya pag mag tatangka na yayakap si Raven ay agad ko syang sinasamaan ng tingin.

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon