Dali dali akong lumapit sa pinto ng marinig ang sunod sunod na katok.
Nang buksan ko iyon ay agad bumagsak ang balikat ko ng makita di Raven.
May dala dala syang dalawang plastic na sa tingin ko ay pagkain ang laman.
"Kumain ka na ba?"tanong nya
Imbis na sagutin ang tanong nya ay pinag sarhan ko nslang sya ng pinto.
He's with those eyes na para bang nag papa awa na naman.
Aalis na sana ako sa may harap ng pinto ng kumatok na naman sya.
Padabog kong binuksan ang pintuan ko at saka sya sinamaan ng tingin.
"Ano na naman?"inis na tanong ko
"I want to see our baby Ariella."
Bago pa man ako maka sagot ay nakita ko nalang di Ariella sa may paanan nya.
Agad kinuha ni Raven sa may paanan nya si Ariella at saka sya hinalikan.
Pumasok na lang ako uli sa loob at hinayaan sila doon.
Naupo ako sa sofa at saka ipinagpatuloy ang panonood ng tv.
Muling bumalik ang tingin ko sa pinto ng makita na pumasok si Raven.
Nang mapatingin sya sa gawi ko ay agad akong umiwas ng tingin.
Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko na naman ang pag sakit ng ulo ko.
Kanina pang pag ka gising ko nararamdam ko ang pag sakit ng ulo.
Napa tingin ako sa may kanan ko ng may umupo doon.
"Are you okay?"nag aalalang tanong nya
Nana tili lamang akong tahimik habang hawak hawak ang ulo ko.
Agad kong naramdaman ang kamay nya sa may ulo ko at saka lumipat sa aking leeg.
"Mainit ka." aniya
Agad kong inalis ang kamay nya na naka dikit sa akin at saka lumayo sa kanya.
Pakiramdam ko ay mas sumakit lalo ang ulo ko dahil sa pag hawak nya.
"Baby."malambing na tawag nya at saka ako niyakap."Gusto mo ba na dalhin kita sa ospital?"
Mabilis akong umiling at saka mariing mapa pikit ng maramdaman ko na parang tumitibok ang ulo ko.
Kumalas sa pag kaka yakap sa akin si Raven kaya mapa tingin ako sa kanya.
"May dala akong lugaw.Kumain ka na muna bago ka uminom ng gamot." aniya at saka nag punang kusina.
Parang hinaplos ang puso ko habang inaalala kung gaano malambing ang boses nya habang kina kausap ako.
Nang maka balik si Raven ay may dala dala na syang bowl na paniguradong lugaw ang laman.
Nang maka upo sya sa tabi ko ay agad syang sumandok ng lugaw at saka iniharap sa akin.
"Ayokong kumain." wika ko habang pilit na inilalayo ang mukha ko sa kutsara na hawak nya.
Nagulat na lamang ako ng bigla nyang hawakan ang panga ko at saka iniharap ang mukha ko sa kanya.
"Eat this o gusto mong sabihin ko sa lola mo na ako ang boyfriend mo." pag ba banta nya.
Agad ko naman syang inirapan at saka isinubo ang hawak nya.
Nakaka inis talaga.
Talagang may gana pa syang takutin ako.
BINABASA MO ANG
19th Life
RomanceAvani is living in her 19th life ng makita nya muli ang lalaki na minahal nya noon. At first,ayaw nyang mag kita muli sila ngunit talagang mapaglaro ang tadhana.Pinag sama uli sila na para bang ibinabalik ang mga pangyayari noon.