"Good Morning, Madam." naka ngiting bati ni Brianna.
"Morning."simpleng bati ko at saka ipinag patuloy ang pag lalakad
Nakaka hiya naman kay Vera kung hindi pa ako pumasok sa trabaho.
Ayos na din siguro kahit isang linggo mahigit akong nawala.
" Nasa opisina nyo po si Sir Raven... may kasama din po syang babae."
Napa tingin naman ako sa kanya at saka mas lalong binilisan ang pag lalakad.
May kasama siyang babae? Aba't may gana pa syang mag dala ng babae sa opisina ko.
Nang makarating ako sa harapan ng opisina ko ay pafabog kong binuksan iyon at bumungad sa akin si Raven na nakikipag-usap sa babae.
Agad nag init ang ulo ko ng makita ko ang mukha nung babae.
Sya yung nakita ko na kagalitan ni Raven sa beach noon.
Napa tingin sa gawi ko silang pareho.
Nginitian ako nung babae pero hindi ko man lang sya nasuklian ng kahit pilit na ngiti dahil pakiramdam ko ay napaka laki ng galit ko sa kanya.
Nag tungo lamang ako sa upuan ko at saka sila seryosong tinignan .
"Anong kailangan nyo?" seryosong tanong ko
Tumayo naman si Raven sa pag kaka upo at astang lalapit sa akin ay agad kong ina to ang kamay ko kaya muli syang naupo.
"Sasabihin nya ang totoo, baby." ani Raven
Binalingan ko naman yung babae at naka ngiti lamang sya habang naka tingin sa akin.
Tumayo naman yung babae at saka humina ng malalim.
"Unang una sa lahat, wala kaming relasyon ni Raven. Sorry dun sa pag halik na ginawa ko sa kanya nung nasa beach pa tayo. Hindi ko naman alam na may girlfriend na sya lalo na at dati palang ay nakikita ko na wala syang interes sa babae. Yung flowers at chocolate ay hindi ko din alam na para sayo. Sorry kung nag away kayong dalawa dahil saken. "paliwanag nya.
Kitang kita ko ang sinseridad sa mukha nung babae kaya agad nya akong napaniwala.
Mukha naman pati na mabait yung babae.
" Okay na. Pwede na kayong umalis. "wika ko
Agad namang kinuha nung babae yung bag nya na naka patong sa sofa ko at saka nginitian ako.
" Sinunod pa ako sa bahay ni Raven para lang sabihin sayo ang lahat. Hindi na daw nya kaya ang hindi mo pamamansin sa kanya. "aniya at saka lumabas ng opisina ko.
Tingnan ko naman si Raven na naka pout habang naka tingin sa akin.
" Baby. "malambing na aniya at saka tumayo.
Nag lakad sya papalapit sa akin at saka hinawakan ang mag kabilang kamay ko at saka ako itinayo.
Parang robot ako na hinahayaan lang sya na gawin ang gusto nya sa akin.
Akmang yayakap sya sa akin ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
Sabay kaming napa tingin ni Raven doon ng marinig namin ang boses ni Ranz.
"Avani." ani Ranz habang naka tingin sa amin ni Raven
Agad kong inilayo ang sarili kay Raven at saka nag lakad palapit kay Ranz.
"Ba't ka nandito?" takdang tanong ko sa kanya
"Pinapa sundo ka ng lola mo." malamig na aniya. "Sorry sa istorbo, hihintayin nalang kita sa labas."
BINABASA MO ANG
19th Life
RomanceAvani is living in her 19th life ng makita nya muli ang lalaki na minahal nya noon. At first,ayaw nyang mag kita muli sila ngunit talagang mapaglaro ang tadhana.Pinag sama uli sila na para bang ibinabalik ang mga pangyayari noon.