"Daddy." masayang sigaw ng panganay kong si Riley
Agad naman akong lumapit sa kanya at saka sya niyakap.
"Asan si Renz?" tukoy ko sa pangalawa ko
Humiwalay naman sa akin si Riley at saka itinuro ang may sofa.
Agad naman akong lumapit doon at naabutan ko na natutulog si Renz.
Muli kong binalingan ng tingin si Riley.
"Asan si mommy?" tanong ko
"Galit po sa inyo si mommy. Ang sabi nya ay baka daw po iniwan nyo na kami." sagot nya at saka naupo sa sahig
Napa ngiti naman ako sa sinabi ng anak ko at saka nag tungo sa kwarto namin.
Naabutan ko na nanonood ng tv si Avani habang naka higa sa kama namin.
Nakaka tuwang tignan sya lalo na at naka kunot na naman ang noo nya habang hawak hawak ang kanyang tiyan.
Lumapit ako sa kanya at saka hinalikan ang kanyang noo.
Mabilis naman nyang pinunasan ang noo nya at saka ako masamang tinignan.
"Nag tatampo na naman ang asawa ko." natatawang wika ko at saka nahiga sa tabi nya.
Hinawakan ko ang tiyan nya at agad naman akong nakaramdam ng pag kawalan ng pagod.
Pinag bubuntis ni Avani ang pangatlo namin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na mag kakaroon ako ng pamilya kasama ang babaeng mahal na mahal ko.
"Anong gusto ng baby ko? May dala akong chocolates." saad ko
Agad namang nag liwanag ang mukha nya at saka hinalikan halikan ang labi ko.
Alam ko na mahilig sa tsokolate si Avani ngayon dahil mukhang doon sya nag lilihi.
"I love you." malambing na aniya at saka ako niyakap
Naramdaman ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko kaya agad din akong gumanti ng yakap at saka hinalikan ang ulo nya.
This is where I belong, in here arms.
BINABASA MO ANG
19th Life
RomanceAvani is living in her 19th life ng makita nya muli ang lalaki na minahal nya noon. At first,ayaw nyang mag kita muli sila ngunit talagang mapaglaro ang tadhana.Pinag sama uli sila na para bang ibinabalik ang mga pangyayari noon.