Kabanata 17

8 1 0
                                    

"Nasa sala si Ranz."ani lola ng pumasok sya sa aking kwarto.

Agad naman akong napa bangon sa sinabi nya at saka tinignan ang aking orasan.

Alas dies na ng umaga.

"Nag aano sya dito?"takang tanong ko habang nag uunat unat

"Gusto ka daw ipakilala ni Ranz sa daddy nya."ani lola at saka ngumiti ng nakaka loko

Napa irap na lamang ako bago bumangon.

Umalis na si lola sa kwarto ko kaya agad akong naligo at saka nag soot ng pang alis.

Nag susuot na ako ng sapatos ko ng maalala ko na naman si Raven.

Paniguradong magkikita kami doon dahil sa iisang bahay lang din naman sila naka tira.

Nang makababa na ako sa sala ay agad tumayo si Ranz ng makita ako.

Naka simpleng white shirt at pantalong itim lang sya pero ang gwapo nya na kaagad tignan.

"Dumating si daddy galing ibang bansa.Balak sana kitang ipakilala sa kanya."aniya at saka ako hinila palabas

Nang maka rating kami sa sasakyan nya ay nanatili lamang ako na walanag imik.

Kinakabahan ako dahil baka may gawin na naman na kung ano si Raven mamaya.

Baka bigla bigla nalang nya akong halikan.

Nang makarating kami sa bahay nila ay panay ang punas ko sa pawis ko.

Mukhang napansin ni Ranz ang panay pag pupunas ko ng pawis ko gamit ang aking palad kaya inabutan nya ako ng panyo.

"Naku talaga yang si Raven...aba'y ayaw kumain at gusto daw nya ay si Avani pa ang mag papakain sa kanya."rinig kong wika ni Lola Robina mula sa kanilang sala

Napa tingin naman sa akin si Ranz at saka bahagyang ngumiti bago buksan ang pintuan ng bahay nila.

"La."ani Ranz ng maka pasok kami

Nang makita ako ni lola Robina ay agad agad syang lumapit sa akin at saka hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Hija, ngayon lamang ako makiki usap sa iyo....pwede gang paka inin mo si Raven.Kahapon pa kasi sya hindi nakain."ani lola Robina

Agad naman akong tumango at saka tumingin kay Ranz.

Bahagya syang ngumiti sa akin at saka nag lakad paalis.

Kahit may galit ako kay Raven ay hindi ko kaya na malaman na nag kakasakit sya.

Dinala ako ni lola Robina sa tapat ng isang malaking pinto na paniguradong kwarto ni Raven.

"Kahapon pa sya hindi nakain, ang gusto daw nya na mag papakain sa kanya ay ikaw.Mag ka kilala ba kayo ni Raven?"

Napa iwas naman kaagad ako ng tingin at saka nag isip kung dapat ko bang sabihin ang totoo o mag sisinungaling ako.

Hindi na ako hinintay sumagot ni lola Robina dahil iniwan nya na ako sa harap ng kwarto ni Raven.

Unti unti kong pinihit ang door knob hanggang sa tuluyan na iyong bumukas.

Malaki at malinis ang kwarto nya kaso sobrang dilim lang sa loob.

Isinarado ko ang pinto nya at saka naupo sa upuan na nasa tabi ng kanyang kama.

"Raven."mahinang pag tawag ko sa pangalan nya

Mabilis pa sa alas kwatro syang lumingon sa gawi ko.

"Baby?"parang hindi maka paniwalang aniya at saka bumangon

Nang masigurado nya na ako talaga ang kaharap nya ay agad nya akong niyakap at saka pinatakan ng halik ang aking noo.

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon