Kabanata 5

20 2 0
                                    

"Good Morning Madam."bati sa akin ng aking sekretarya

Tanginang tango lamang ang bati ko pabalik at saka pumasok sa aking opisina.

Napa buntong hininga naman ako ng makita ang napaka daming papel sa akibg lamesa.

Halos araw araw ay ganto ang nasalubong sa akin.

Naupo na ako sa aking upuan at saka tinitigan ang mga papel.

Narinig ko na may kumatok sa pinto at saka iyon bumuksa.

"Madam."naka ngiting wika ng aking sekretarya at saka lumapit sa akin.

"What?"

"May bisita po kayo."aniya at saka muling bumukas ang pinto

Agad naman akong napa takip sa tenga ko ng bigla nalang tumili si Vera ng makita ako.

"Asan na ang asawa mong pogi?"tanong nya at saka binaba sa lamesa ko ang dala nyang bag

Nakita ko na nagulat si Brianna sa sinabi ni Vera.

"Wala akong asawa."simpleng sabi ko at saka tinignan ang dala nya."What's this?Bat may damit ng bata?"

Inilabas ko sa bag ang mga pang baby na damit.

May mga lampin at laruan na pambata pa talaga.

Narinig ko ang mahina nyang pag hagikhik.

"Diba mag aanak kayo?Eto...regalo ko na kaagad sa magiging inaanak ko."

Napa sapo na lamang ako sa noo ko at saka muling ibinalik ang mga iyon

"Bat ba naniwala ka kaagad sa kanya?"may halong pag ka inis ang tono ko kaya nag pout pa si Vera.

Hindi ko ba alam kung anong magiging reaksyon ko sa ikinikilos ng babae na to.

May pamilya na't lahat ay parang bata pa rin kumilos.

"Kapanikapaniwala kasi kung mag salita sya tas ampogi pa.Kung wala lang akong asawa ay baka niligawan ko na sya."

"Umalis kana nga Vera.Dinadag dagan mo lang isipin ko sa buhay eh."singhal ko

Wala ng nagawa si Vera at saka padabog na lumabas.

Ano bang ginawa ni Raven sa kanya at napa niwala nya kaagad na may relasyon kaming dalawa.

Agad naman akong napa tingin kay Brianna na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

"Madam may asawa na nga kayo?"tanong nya sa akin

"Wala."simpleng sagot ko at saka nag simulang tignan ang mga papel na nasa harapan ko

Hindi ko ba alam kung bakit parang napapagod na kaagad ako eh wala pa naman akong ginagawa.

---

Its already 5 pm pero hindi pa rin ako maka alis sa opisina.

At ang masama pa nito ay naulan pa kaya hindi ako maka alis.

Wala ng medyong tao dito sa kompanya kaya wala akong mauutusan na bumili man lang ng payong ko.

"Madam."tawag sa akin ng kung sino

Agad ko namang nilingon kung sino iyon at nakita ko ang isa sa aking mga lalaking empleyado.

"Sabay na kayo saken."aniya at saka binuksan ang payong nya

Wala na akong nagawa kundi ng maki sukob.

Hindi ko na kayang mag hintay ng isa oang oras para lang hintayin na tumila ang ulan.

Malapit na kami sa parking lot ng magsalita na naman sya.

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon