Kabanata 2

29 2 0
                                    

Buong byahe ata namin ay naka busangot lang ako.

Nakaka inis naman kasi si Vera.Habang nag dradrive ako ay kanta sya ng kanta kaya sira na kaagad ang araw ko kahit napaka aga pa.

"Aloneeeeeeeeeeee"kanta nya with matching taas ng kamay

Hindi ko ba alam kung nasiraan ba ng ulo to habang nasa ibang bansa o talagang may iniinom lang syang gamot dati kaya hindi halata na may sira sya sa ulo.

Nang makarating na kami ay mas lalo akong nainis ng umalis na kaagad si Vera.

She look so happy while walking towards her grand mother na naka ngiting nag hihintay na makalapit ang apo nya.

Hindi man lang naisipan ni Vera na tulungan ako na mag dala ng mga bagahe.Samantalang halos lahat ay sa kanya,pati ata mga make up at pabango nya ay dala dala nya.

Iika ika akong nag lakad papalapit sa kanila kaya agad pinagalitan si Vera ng lola nya ng makita ako.

"Ano kaba Vera...hindi mo man lang tinulungan ang kaibigan mo mag bitbit ng mga bagahe nyo.Kawawa tuloy si Avani."wika ng kanyang lola

Parang bata na inagaw ni Vera sa akin ang mga dala ko at saka ipinasok sa bahay ng kanyang lola.

Hindi ko lubos na maisip na napag tiyagan ng asawa ni Vera ang pagiging isip bata nya.Baka nga mas isip bata pa sya sa anak nya pag nasa bahay nila sila.

Nang pumasok kami ni Lola Vina sa bahay nila ay naabutan namin si Vera na grabe ang pag kabusangot habang naka upo sa sofa.

"Dapat ay hindi na nga lang kita isinama Avani...napaka KJ mo talaga."aniya at saka ako inirapan

Bahagya naman akong napangiwi sa sinabi nya.

Kung wala lang sana kaming ibang kasama ay baka kanina pa kaming nag aaway ni Vera.

---

Dapit hapon na at saka ko naisipang lumabas.

Tulog si Vera kaya tahimik ang buhay ko ngayon.

Simula kasi nung nag tampo sya ay lumabas sya para maligo sa dagat.

"Ingat ka."wika ni lola Vina at saka sinara ang pinto ng kanilang bahay

Mabuti na lamang talaga at malapit lamang ang dagat kaya hindi ko na kailangang gumamit ng sasakyan.

Nang makatapak na ako sa buhangin ay bumalik sa akin lahat ng ala ala ng aking mga magulang nung minsan na din kaming nag bakasyon sa ganitong lugar.

Mahilig ang mommy sa mga dagat kaya madalas kaming pumunta sa ganitong lugar dahil isa iyon sa nag papasaya sa kanya.

Napatingin ako sa mga batang naglalaro sa paligid.

Halos lahat sila ay may mga magulang na nagbabantay mula sa malapit.

"Ate"

Napatingin ako sa batang bigla na lamang sumulpot sa tabi ko habang hawak hawak ang isang pungkos ng rosas.

"Baket?"tanong ko

Inilahad nya sa akin ang hawak nyang rosas.Kinuha ko naman sa kanya iyon at saka tinitigan ang bata.

"Kanino ito galing?"takang tanong ko

Bahagya namang umiling ang bata at saka ngumiti.

"Secret daw po eh.Sabi po ni kuya na mag kita daw po kayo mamayang alas otso ng gabi sa may tabi ng dagat."aniya at saka nag tatakbo palayo

Agad naman akong napa ngiti habang tinitigan ang rosas.

Mukhang bagong pitas lang ito dahil fresh na fresh pa tignan.

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon