Kabanata 16

8 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at hindi na ako naboboring sa bahay dahil laging andito sina Ranz.

Madalas akong yayain na lumabas ni Ranz kaya medyo nakaka limutan ko na yung panloloko sa akin ni Raven.

Sa loob ng ilang araw na iyon ay mas naging close kami ni Ranz.

He's a kind and sweet person kaya hindi ako nag aatubili na sumama sa kanya araw araw.

Lagi nya akong inililibre ng kunh ano ano at binibili nya din ang mga gusto ko.

"Bumisita ka kaya sa bahay bukas...tutal hindi ka naman napasok sa trabaho."aniya

"Okay."simpleng sagot ko at saka kumuha ng fries na hawak nya

Nasa park kaming dalawa ngayon.

Gusto daw nya kasing manuod ng mga batang nag lalaro kaya dinala nya ako dito.

Hindi na ako umayaw dahil gusto ko din naman makakita ng mga bata na nag lalaro.

It makes me happy na halos lahat ng hilig ko ay hindi pinapakaelaman ni Ranz at talagang sinasamahan nya pa ako.

Katulad nalang pag kain sa labas.

Nang maikwento ko sa kanya na nagustuhan ko yung hipon na kinain ko doon sa Malk ay madalas na kaming dala na pumunta doon para lang kumain ng hipon.

Nang maubos na yung fries ay nag prisinta si Ranz na ihatid ako sa bahay kahit na isang kanto lang naman ang lalakarin ko patungo sa bahay.

"Balak sana kitang lutuan ng madaming pagkain pag pumunta ka sa bahay kaso baka hindi mo magustuhan ang luto ko."aniya habang nag dradrive.

"Basta masarap ay magugustuhan ko.Ang hindi ko lang kinakain na pag kain ay siomai."saad ko

"Ipag luluto kita ng marami.Tas dadamihan ko din ng luto ng hipon."

Kahit bukas pa nya ako ipagluluto ay natatakam na kaagad ako lalo ng sinabi nya ang hipon.

Nang maihatid nya ako ay umuwi na din kaagad sya at hinahanap na daw sya ni lola Robina.

"Nag date kayo?"salubong sa akin ni lola

"Hindi po."sagot ko at saka naupo sa sofa

"Mabait at masunuring nata si Ranz.Boto ako sa kanya."

Agad naman akong napa ngiwi sa sinabi ni lola at saka mariing pumikit.

Halos araw araw nalang ay sinasabi nya sa akin na boto daw sya kay Ranz para sa akin.

Hindi ko naman masabi sa kanya na hindi ko type si Ranz dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

"Subukan mo kaya na maki pag date kay Ranz?Baka sya na ang lalaki para sayo."ani lola at saka tumabi sa akin

"Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya."seryosong sabi ko

Biglang pumasok sa isipan ko si Raven ng maalala ko ang sinabi nya sa akin noon.

Sabi nya ay sya daw ang lalaki na para sa akin kaya wag na daw akong hahanap ng iba dahil kahit anong gawin ko ay sa kanya pa rin ang bagsak ko.

Mukhang tunay ang sinabi nya dahil kahit anong pilit ko na kalimutan sya ay talagang naka tatak na sya sa puso ko.

Nang matapos mangulit ni lola about kay Ranz ay pumunta na ako sa kwarto ko para maligo uli.

Pakiramdam ko ay napaka dami kong nakuha na alikabok sa park dahil sa mga sasakyan na nadaan.

Nang matapos akong maligo ay nahiga na lamang ako sa kama ko at saka tumingin sa kisame.

Naka titig ako sa kisame ng marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko hudyat na may nsg text sa akin.

19th LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon