"Avaniiiiii"sigaw ng kaibigan kong si Vera dahilan ng pag tingin ng mga tao sa paligid
Alam naman nya na nasa airport kami tas sisigaw sigaw sya.Nakakahiya tuloy.
Nang makalapit na sya sa akin ay niyakap nya ako ng sobrang higpit at saka hinagkan ang aking pisngi.
"Nakakahiya ka"bulong ko sa kanya
"Anong nakaka hiya don eh sumigaw lang naman ako."aniya
Napa irap nalang ako at saka sya hinila palabas doon.
"Asan ang mag aama mo?"tanong ko habang naglalakad kami
"Nasa ibang bansa pa.Mga next week pa ang uwi nila"
"Mabuti at hindi inisip ng asawa mo na baka manlalaki ka dito."biro ko
Agad naman nya akong hinampas at saka sumimangot.
"Nung una nga ganyan ang inisip nya pero syempre masyadong malakas ang charm ko kaya pumayag sya."nakangising aniya
"Anong charm?Isang linggong sex with him para pumayag?"tanong ko
Agad naman nyang tinakpan ang bibig ko at saka ako tinignan ng masama.
Ano bang masama sa sinabi ko?Totoo naman na nakikipag talik sya sa asawa nya para labg masunod ang gusto nya.
Nang makalabas kami ay agad namang sinalubong kami ng isang taxi kaya agad din kaming pumasok.
Mabuti na lamang at hindi umalis si Manong,akala ko ay pag kahatid nya sa akin dito kanina ay aalis din sya kaagad.
"Manong sa malapit na Jollibee po tayo"wika ko
Naging mabilis lang ang byahe namin dahil malapit lang din naman ang Jollibee.
Mabuti na lamang talaga at hindi nagreklamo tong si Vera na dun kami kumain kasi ang pagkakatanda ko ay hindi sya nakain sa mga ganoong kainan.
Nang makapasok na kami sa loob ng Jollibee ay sya ang umorder tas ako ang naghanap ng mapwepwestuhan namin.
I love to eat in here simula pa nung bata ako.Lagi akong dinadala ng mga magulang ko dito pero simula nung nawala na sila ay madalang na lamang akong kumain dito.
Nang maka balik na si Vera ay dala dala nya ang pagkain namin.
"Ang bango nung chicken"aniya at saka inilapag ang tray sa table
Nagsimula na kaming kumain ni Vera kasi gutom na gutom kaming pareho.
Kagagaling ko lang sa trabaho tas bigla bigla na lang tatawag sa akin ang babaeng to na nasa airport na daw sya.
Mabuti na lang talaga at ma aasahan ko ang aking sekretarya kaya sya nalang ang gumawa nung mga hindi ko pa nagagawa.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam muna sya na mauwi sya sa bahay ng kanyang mga magulang.
Hindi na ako umangal dahil uuwi din ako sa bahay para dalawin si lola.
Halos tatlong linggo nadin nung huli akong umuwi sa bahay.
I always stay at my condo dahil wala na akong nagiging time para maka uwi.
"La"masayang sigaw ko ng makita ko si lola na pababa ng hagdan
Dali dali akong lumapit sa kanya para yakapin sya pero napa hinto na lamang ako ng bigla syang humawak sa may dibdib nya.
"Are you okay La?"nag aalalang tanong ko at saka tuluyang lumapit sa kanya
"Kakatapos ko lang apo na linisin yung kwarto mo...pagod lang ito."nakangiting sagot nya at saka ako niyakap
Pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko.
BINABASA MO ANG
19th Life
RomanceAvani is living in her 19th life ng makita nya muli ang lalaki na minahal nya noon. At first,ayaw nyang mag kita muli sila ngunit talagang mapaglaro ang tadhana.Pinag sama uli sila na para bang ibinabalik ang mga pangyayari noon.