~
"Drix! Uy!" sabi ni Niki habang iwinawagayway ang kamay niya sa mukha ko. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tulala.
"Ay ganon? Dinaig mo pa ngayon ang isda? Walang kurap-kurap?" Hindi ko pa rin siya pinapansin. She poked my forehead. "Uy Drix!"
Mula sa kawalan ay ibinaling ko kay Niki ang tingin ko at pinanlisikan ko siya ng mata. "Depressed ako." matipid kong tugon.
Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay. "Wow ha? Depressed ka pero panay ang subo mo diyan?!"
Hindi na ako umimik pa. I just rolled my eyes.
Actually, ganito kasi yun. Nasa state of shock pa kasi ako. Una, nag-transfer dito si Zap. Langyang mokong yun hanggang dito ba naman susundan niya si Niki? At oo, siyempre, magiging dakilang loner na naman ang beauty ko plus, mapupuno ng kabaklaan ang mga mata ko.
Pangalawa at ang most shocking talaga... PERFECT SCORE AKO SA TRIGO! Take note: TRIGO! At partida ha, ako lang isa ang naka-perfect! Imagine mo yun? Haay, ako na talaga! Maganda na, matalino pa! Oh diba, beauty and brains! San ka pa! At siyempre, dahil nga don eh instant headline na naman ang kagandahan ko. Ang dami na namang monkeylet (monkey plus froglet) na naiingit sakin. Tch! Akala nila mas maganda pa sila sakin! In their cheapest dreams!
"My labs! Heto na oh! Kain na tayo!" dinig kong sabi ni Zap sabay upo sa tabi ni Niki. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.
"Ah, my labs, may ginawa nga pala ako para sayo!" masigla naman sabi ni Niki sabay abot ng ginawa niyang cheesecake kay Zap. At ang mokong naman kinikilig! Oh my gosh why so bakla.
"Thank you my labs! The best ka talaga!" tugon naman ni Zap. "Wow! Siguradong masarap 'to! Kasing sarap ng pagmamahal ko sayo!" banat pa niya then lightly pinched Niki's cheek. At ayon pareho silang kinilig.
Seriously? Sa harap ko talaga ha?
"Eherm eherm.." I cleared my throat to catch their attention. Pareho naman silang lumingon.
"Ay, Drix! Kain ka oh!" aya ni Niki.
"Oo nga naman tol!" dagdag pa ni Zap. Napansin pa pala nila ako.
"No thanks." sagot ko at tumayo na.
"Uy teka lang Drix! Hindi ka ba kakain?" tanong ni Niki.
"Hindi." at tinalikuran ko na sila. "Wait lang..." umatras ako at kinuha yung large fries na binili ni Zap. "Kakain ako mag-isa." Narinig ko silang nagtawanan. Haay bahala nga sila sa buhay nila.
"Hey there, cheater!" narinig kong sabi ng isang napakalanding nilalang pagkalabas ko sa cafeteria. Hindi ko na lang siya pinansin. Baka mamaya hindi na naman ako makapagtimpi at makagulpi ako ulit.
"Hoy malandi! Ano ba talaga ang meron sayo ha? Nilandi mo na nga si Gray tapos nag-cheat ka pa nung quiz!" sigaw pa niya mula sa likod ko. Seriously. Kaano-ano ba sila ni Gray?
Umurong ako at hinarap sila. An evil grin formed on my face. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanilang tatlo.
"Ah... So, kayo pala Megan and your..uh..flirt friends." sabi ko nang nakangiti. At silang tatlo HAHA epic face.
"How dare you!" sabat naman nung isa.
"Bakit ba Megan? May band aid ka pa sa ilong ah? Nagre-request ka na agad na dagdagan?" natatawang asar ko sa kanya.
Napahawak naman si Megan sa ilong niyang may band aid. "Grrr! You're so..ah!" at padabog niya akong tinalikuran kasama ang mga unggoy niyang kaibigan.
Tsk tsk. Sabi ko na nga ba eh. Ang dami na namang nainggit sa kagandahan ko.
Napagpasyahan ko na lang na maglakadlakad hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa playground. Naupo ako sa isa sa mga benches at tahimik na pinagmasdan ang mga elementary students na naglalaro. Ang saya nila pagmasdan. Parang wala lang silang pakialam sa mundo. Makapaglaro lang at tumawa eh masaya na sila. Wala silang ibang iniintindi kundi yun lang. Ipinikit ko ang mga mata ko. Haay ang sarap siguro bumalik sa pagiging bata.
"Ikaw lang mag-isa kakain niyan?" sabi ng isang nakakairitang boses at dumukot ng fries ko. Iminulat ko ang mga mata ko at hindi nga ako nagkamali, si Gray nga.
Hinugot ko pabalik ang fries ko. "Akin na nga yan!"
"Ang damot mo naman!" reklamo niya.
"Bakit? Ikaw ba bumili nito?"
"Bakit? Ikaw ba bumuli niyan?" tanong niya pabalik at muling hinugot ang kinakain ko. Nakakainis talaga siya!
"Paki mo ba! Akin na nga yan!" pagpupumilit ko pero nak ng fries naman oh! Ang tigas ng ulo!
"Hati na lang tayo." he said with an annoying tone.
"Bakit ako makikihati eh akin naman yan?" pagtanggi ko.
"Sige. Ayaw mo makihati? Edi akin na lang lahat 'to. Magutom ka diyan." pang-aasar pa niya. Ang sarap niya talaga balian ng backbone!
I sighed. "Ok, sige." Ayoko nang makipagtalo sa walang utak na nilalang na 'to.
"Ok, ilahad mo ang kamay mo." utos niya.
"Akin yung nasa box! Akin yan eh!" reklamo ko naman.
"Ayaw mo ilahad? Bahala ka." at sinimulan niya nang kainin ang mahal kong fries.
"Oh! Heto na!" wala akong choice kundi ilahad na lang ang kamay ko kesa naman bumalik pa ako sa canteen na sobrang daming tao.
Lumingon siya sakin. He smirked. Kumuha siya ng isang piraso at dahan dahang inilapag sa palad ko.
"One." he said.
Kumuha siya ulit ng isa at de numerong inilapag ulit sa palad ko.
"Two."
Kumuha siya ulit ng isa at dahan dahang inilapit sa palad ko na akala mo eh aabutin ng isang dekada bago lumanding sa palad ko.
"Three. Ok that's enough." nakangiting sabi niya at tumayo. "See you later Althea!" pahabol niya at tuluyan nang lumayo.
"Bwisit ka talaga Marcus Gray! Humanda ka! Babalian kita ng backbone!" nasigaw ko na lang while hearing his laughters. Uggh! I hate him!
---
Ang togol ko nakapag-update! So busy kasi! But I'll try my best talaga to update more often. Thankie to my readers kahit konti pa lang! ILovie :)
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Vs. Miss Fierce
JugendliteraturThere was once a girl na basagulera at pinagpipilitan niya sa sarili niyang kahit kailan eh di siya iibig. There was once a boy, este, a playboy na mahilig magpaiyak ng mga babae. At katulad ni girl, hindi rin naniniwala sa pag-ibig. Pero paano kapa...