II. Unexpected Visitor

254 4 0
                                    

"Haaaay... home at last. Yaya pakikuha po ako ng malamig na malamig na juice." utos ko kay yaya sabay hilata sa sofa, streched my arms, at tinungtong ang nga paa sa center table. Malinis naman mga paa ko at mabango.

"Opo, ma'am Drix." pagsunod naman niya at agad akong ikinuha ng juice.

Maya-maya lang din, lumabas na si yaya mula sa kusina dala-dala ang iniutos ko at inilapag sa table.

I grabbed the juice and sipped it nang may marinig akong bumababa mula sa hagdan then...

"Long time, no see, my dear 'lil sister!"

Bigla akong nabilaukan sa iniinom ko. Whaaat? Nandito siya? Patay. Dahan-dahan akong lumingon. PATAY. Siya nga. u____u

"A-ate D-Dianne?"

It's my sister, my half-human, half-monster sister, Dianne. She lives on the States at mina-manage ang company ni Mama which is furniture making. And this company is one of the biggest supplier ng world class furnitures.

"Why? Bakit parang gulat na gulat ka? Di mo ba ako na miss? Won't you give your sister a hug?" sabi niya while taking the last step of the stairs.

I stood up and gave her a hug. MY GAAAHD! Ang malas nga naman! Nandito na naman ang bruha kong ate!

"A-ate, h-have a s-seat." tae. nabubulol ako. Oo. Astig ako pero kay ate lang talaga ako natitiklop.

"Why are you stammering? Para kang nakakita ng multo?" sabi niya sabay upo sa upuan which is katapat ng inuupuan ko.

"Nakakita kamo ng halimaw." bulong ko naman at umiwas ako ng tingin.

"Did you say something?" tanong na naman nung halimaw--este--ni Ate Dianne sabay taas ng kilay sakin.

"A-ahhm, w-wala Ate he he he." sagot ko naman then faked a smile. Heto na naman, I'm stammering again. Lenchaks naman to.

"I heard your adviser already gave your cards. Where's yours? Pwede ko bang makita?" she demanded with full authority. Naku! Double kill ka ngayon Drix!

"Ah, k-kasi a-ate, ahhm, e-eh--"

"Lemme guess, puro palakol na naman?"

"Aah... he he he." I smiled at her pero deep inside, takot na takot na talaga ako.

"Show me, Althea."

Ayan na naman yang pangalan na yan. Ambantot. Sounds "maarte". -__-

"O-opo." I get my card from my backpack and gave it to her while my hands are shaking. Binuksan naman ito agad ni Ate Dianne. I crossed my fingers. Kinakabahan ako.

"Oh! Congratulations! You got 80!" Napangiti naman ako as if parang naliwanagan ako."Pero babawasan ko parin ang allowance mo. Not unless you get it to 95. Clear?"

Haaaa??? Para akong nabingi sa sinabi ni ate.

"Whaaat? P-pero ate---"

"No buts, Althea." pagputol niya sa sasabihin ko. " Buti sana kung pinanganak kang boba eh hindi naman. Dati nakakapag-top 1 ka naman di ba? So, I know you can make it. Am I clear?" she said with brows up and pointing me.

"Y-yes, ate." I agreed sabay yuko. Eh ano pa bang magagawa ko? Wala akong laban sa kanya.

"Ok. It's nice to hear. Mabuti na yung nagkakaliwanagan tayo. You can go upstairs and take a rest." tumayo na kaming dalawa. I headed to my room. Pagdating ko, sinarhan ko agad ang pinto at humiga agad sa kama. I heaved a heavy sigh. Nakakainis! Tiklop na naman ako!

*Beep-Beep*

Sino na naman ba ang hinayupak na nagtext! Panira ng pahinga!

I grabbed my phone and voila! 227 messages. Puro mga manliligaw daw. Bwesheeet na mga hinayupak to.

-Gusto niyo bang makakita ng galaxy hindi lang tatlong stars? Pagsasapakin kobkayong lahat eh. Ampapanget niyo.-

send to many.

Dagdag pa tong mga to eh. Sakit sa ulo.

Hihiga na sana ulit ako nang...

*~Cause it's so obvious
There's nothing wrong with us at all
It's our life, we're alright
No, we're not about to go and make
The same mistakes you might have made~~~~*

Kinuha ko ulit yung phone ko to check who's calling.

Calling...
Unknown

"Drix, si Andre to! Oh, ano? Papayagan mo na ba akong manligaw?"

Aba! Ang lakas naman ng loob nito? Di ko naman siya kilala! Basta kasi manliligaw di ko tinatandaan ang pangalan.

"Una sa lahat, ang kilala kong Andre eh aso ng kapitbahay namin. Pangalawa, Gusto mo ba makatikim ng sapak papuntang six feet underground? Tigil-tigilan mo ako! K.Bye." then I hang up the call. I went to the bathroom and took a quick shower. I wore my t-shirt and pj's at humilata na ulit sa kama ko. Agad naman akong inantok at nakatulog.


*~ Cause it's so obvious
There's nothing wrong with us at all
It's our life, we're alright
No, we're not about to go and make
The same mistakes you might have made~~~~*

Napabangon ako ng di oras. Sino na naman bang tumatawag?

I get my phone from my side table and answered it without looking who's calling.

"Kung manliligaw ka, kita tayo bukas talunin mo ako sa suntukan. Istorbo ka."

Iha-hang up ko na sana kaso...

"Hahahaha!"

Eh?

Biglang nagising ang diwa ko.

"Angas naman ng bunso ko!"

"Bat ka tumawag? Anong kailangan mo?" tanong ko ng walang kagana-gana.

"Bakit? Bawal bang kumustahin ang bunso ko?"

"Oo bawal. Dun ka na lang sa babae mo at maglandian kayo hanggang sa gusto niyo. K.Bye."

"A-anak---"

Bago pa siya magpatuloy sa pagsasalita ay ini-end ko na yung call.

Bakit pa ba siya tumawag? Bumalik tuloy yung sakit at galit na naramdaman ko noon nung iniwan niya kami.

Isa lang ang masasabi ko.

Walang hiya siya.

...***


Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon