I. Miss Fierce

351 5 0
                                    

"Guerrero, Althea Drixyl"

Naglakad na ako papunta sa teacher ko to get my report card.

"Thank you, ma'am." I said then naglakad na ulit papunta sa seat ko.

Tumingin-tingin ako sa mga classmates ko. And lahat sila hindi mapakali at kinakabahan sa result ng grades nila.

Napatawa naman ako at naupo sa seat ko. Para silang sinasapian, sus para grades lang! l'm not nervous naman to open my card and see my grades dahil alam ko, tumaas ang mga grades ko KAHIT PAANO. Aba, pag di to tumaas, aambushin ko tong skwelahang to, SWEAR.

"Yeaaaah!!! Sabi ko na nga ba, tumaas ang grades ko! Yung Math ko, tumaas pa ng one point! And, oh! May isa na akong 80! Muahahaha!" paghiyaw ko pero siyempre yung mahina lang. Mag-ingay ako dito pagalitan pa ako ng teacher kong mukhang mamaw.

few minutes later...

*Riiing!-Riiing!*

Yay! Dismissal time na! Makalabas na nga sa eskwelahang to baka sakaling may magandang balita akong masagap sa labas!

Ay, teka lang pala. Di pa pala ako nagpapakilala. I'm Althea Drixyl Kwon Guerrero. 16 years old, Senior Highschool, and studying at Saint Dominic's Academy, one of the most popular schools in Philippines. I'm 1/4 Korean, 1/4 Spanish, 1/2 Filipino. My mom is half Korean half Filipino. My dad's half Spanish half Filipino. Pero sa totoo lang ang tatay ko ay kalahating tao at kalahating demonyo. But anyway, let's not talk about him.

Back to topic.

Actually, ganito talaga ang correct pattern ng genes ko.

I'm 1/3 Goddess of Beauty, 1/3 Goddess of War, 1/3 Human. Mwahaha! Kaya nga maganda ako eh! Dyosang-dyosa of course! Walang kakabog kundi pipilipitin ko ang ulo! And I admit, marami akong manliligaw. Talagang MARAMI. Pero di ko sila pinapansin. Because I don'y believe in happy endings. And never will I be.

Bobo? No. Tamad lang mag-aral. Basta. Tinatamad ako. Ang tanging gusto ko lang sa buhay ay makipag-basag-ulo.

"Drix! Hintay!" I heard someone calling my name. Tumalikod ako.

"Zap! Alex! Kayo pala? Anong meron?" tanong ko sa dalawang kumag na to. Mga kaibigan ko sila from SGA, an all-boys school. And mga kasama ko sila sa Gang.

Oo, gangster ako, pero hindi ako adik ha?

"Drix! May pambato na daw yung kabilang tropa sa bakbakan. Oh, ano? Kakasa ka ba?" tanong sakin ni Zap.

Bigla namang nagningning ang mata ko. Yes! Another income to me!

"Talaga? Saan? Magkano ang pusta nila?"

tanong ko agad. Me is excited!

"Sa may abandonadong building daw sa may kabilang kanto. 50,000 daw ang pusta nila." pag-inform sakin ni Alex.

"Ayooss! Dalihin niyo ako dun ngayun din! At pupusta tayo nga 60,000 pesos!" determinado ko naman sagot sa kanilang dalawa.

Pinanlaikahan nila ako ng mata.

"Seriosly, Drix? 60,000 pesos? Are you insane? Anak ng--! Ganyan ka ba kaditerminado na matatalo mo yung lalaking yun? Anlaking tao daw nun!" pagrereklamo naman

ni Zap.

This time, pinanliitan ko naman sila ng mata.

"Wala ba kayong bilib sakin? Ako? Si Drixyl Guerrero matatalo? Nagbibiro ba kayo?" pagmamalaki ko naman sa kanila. Aba! Wag nila akong mamaliitin!

"Ok. Sige. Basta mananalo ka talaga ha?" pag-aasure naman ni Alex.

"Oo ba! Dalhin niyo na nga ako dun! Nangangati na ang kamay kong jumombag!" I demanded.

"Sige tara!" nauna silang tumakbo at sinundan ko naman sila.

-

"Hahahaha! Nagpapatawa ba kayo? Yan ang kalaban ko? Seryoso?" natatawa-tawang insulto sakin nung kalaban ko. "Eh bagay diyan gawing syota!" dagdag pa niya at nakipag-apir sa mga kasama niyang mga mokong.

Hindi lang ako umiimik. Tinignan ko lang siya. Haha. Nakakatawa kasi siya. Tingnan lang natin kung makatawa pa siya pagkatapos ng laban.

"O, ano? Takot ka na ba? Di ka man lang umiimik!" pang-aasar niya ulit.

"Pengeng chewing gum." sabi ko then kinalabit si Zap. "Antagal mag-umpisa ng laban eh."

"Aba! Tapang neto ah! Eh anliit mo naman! Basta pag natalo ka, magiging syota kita!"

Aba! Ano siya sineswerte?

"Ok, simulan na ang laban!" pagdeklara naman nung referee namin na estudyante rin. Pumagitna narin kaming dalawa.

"Maghanda ka nang maging syota ko." sabi ng kalaban ko habang iniikot-ikot nya ang ulo niya. I just smirked and looked relax.

"Dami mong satsat!"

"Ok, ready, fight!"

Nag-ready na kaming dalawa. He threw punches and kicks. Pero syempre, dahil nga magaling ako, wala man lang ni isang nagkamaling dumaplis sa aking beautiful skin. And yung mga mukha ng mga kasama niya---EPIC.

Maya-maya, dahil siguro sugod lang siya ng sugod at wala ring nangyayari, hiningal na siya at napagod. Yumuko siya and placed his palms on his knees at pawis na pawis. Sus. Sisiw lang pala to.

"Ano ka ba naman tol! Bakla ka ba? Yun lang ba ang kinaya mo?" pang-iinsulto ko sa kanya. "This time ako naman ang titira."

Ako naman ang sumugod. At pag ako na ang susugod, asahan mo, lahat tatama. And ayin nga, bugbog-sarado na nag mokong. And for the finishing touch, nagpakawala ako ng umaatikabong flying kick. That knocked him down.

This time, yung mga kasama niya---NGA-NGA.

"Hoy! Ano pang tinutunganga niyo jan? Bigay niyo na nag pusta! Bilis kung ayaw niyong kayo ang susunod!" I commanded them sabay turo sa kanila. At sa takot nila, agad nilang ibinigay ang pera at parang mga pusang nagsitakbuhan palayo.

"Drix! Kahit kelan da best ka talaga!" sabi nung isa kong kasamahan sa gang habang naglalakad ako papalapit sa kanila.

"Tagal na! Akin nang parte ko at uuwi na ko." pag-uutos ko.

Ibinigay nila agad saking ang parte ko. Syempre! Mas malaki ang parte ko! Tuluyan na kong nagpaalam sa kanila at tumakbo pauwi. Medyo malapit na rin kasi ang bahay namin mula dito.

Haaaay... This is a long daaaaay for me. AGAIN.

***

Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon