~
*Beep-Beep!!!* *Beep-Beep!!!*
Busina ng busina si Gray sa labas ng bahay nila Niki dahil ang tagal ko daw. Masyado naman kasi siyang maaga! 6:29 pa lang naman ah! Sabi niya 6:30! Oh diba maaga pa?!
"Oo nandiyan na!" sigaw ko habang palabas ng kwarto ni Niki at hinahatak ang suot kong 5-inch high heel stilleto. At lahat ng ito ay pakana ng bruha kong bestfriend.
"Ang tagal mo naman!" rinig kong reklamo ni Gray na nasa pintuan at nakatalikod.
"Heto na!" padabog kong sagot habang bumababa ng hagdan. Nakayuko ako at tinitignan ang bawat hakbang ko dahil baka mamaya matapilok ako at tuluyang gumulong pababa. Inangat ko ang tingin ko kay Gray na nasa pinto na nakatingin sakin at --- NGANGA.
Iniwagayway ko ang kamay ko.
"Psst hoy! May langaw tsong!"
Bigla naman siyang napaayos ng tayo. "Oh ano, ganda ko no?"
Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. "Ah... O-okay na rin. M-mukha k-ka nang tao."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Suuus! Nganga ka nga kanina eh!" naibulong ko sa sarili ko.
Nakita ko si Gray na naglalakad na papunta sa kotse niya. Napaka gentledog diba? Di man lang ako inalalayan!
"Drix!" Narinig kong tawag sakin ni Niki. Napalingon ako and gave her an anong-sasabihin-mo look.
I heard her chuckle. "I just wanted to say goodluck to your dinner with your future husband and parents!" sabi niya at tumili. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Althea bilis! Ang tagal mo!" Gray complained. Sungit!
"Oo na eto na." sabi ko at tumayo sa may tapat ng pinto ng backseat waiting na ipagbuksan niya ako ng pinto. Pero instead na ipagbukas ako, ayun, nagdirediretso siyang sumakay sa driver's seat. Gentledog diba? Padabog ko na lang na binuksan ang pinto ng kotse at pumasok. Humanda siya sa gagawin ko mamaya!
Operation: Ma-turn off ang parents ni Gray.
---
Gray's POV
-
"Hoy! Bakit mukhang nalugi ang itsura mo?" tanong ko kay Althea habang tinitignan siya sa rearview mirror ng kotse.
"Hmmp! Wala!" padabog niyang sagot habang nakaharap lang sa bintana at ang haba ng nguso.
Oo, alam ko ang pangit ng ginawa ko kanina. Hindi gentleman ang dating. Eh kasi... errr... Ang ganda niya? Ok sige. Ang ganda niya nga talaga. Basta parang... Bigla akong nailang? Eh kasi naman eh! Makalaglag panga! Di ko siya matignan ng diretso sa mata kaya pa sulyap sulyap na lang ako dito sa may salamin.
Tahimik lang kami sa buong biyahe. After 15 minutes, nakarating na rin kami sa restaurant na kakainan namin. Seafood restaurant siya. Bumaba na ako ng kotse at pinagbuksan ko si Althea ng pinto.
"Ngayon lang 'to ha?" bulong ko sa kanya and curved my arms para kumapit siya. "Oh ayan, kumapit ka. Alam mo bang ang suwerte mo dahil naka-chansing ka sa gwapong gwapong tulad ko!"
Inirapan niya ako. "Anong chansing?! Nakakasuka ka kaya!" singhal niya pero kumapit naman siya. Suuus.. reklamo pa siya!
Naglakad na kami papasok ng restaurant at agad namang nahagilap ng mata ko ang mga parents ko na naghihintay.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Vs. Miss Fierce
Teen FictionThere was once a girl na basagulera at pinagpipilitan niya sa sarili niyang kahit kailan eh di siya iibig. There was once a boy, este, a playboy na mahilig magpaiyak ng mga babae. At katulad ni girl, hindi rin naniniwala sa pag-ibig. Pero paano kapa...