Chapter Twenty Five

84 1 4
                                    

Drix's POV

~

"AAAHHHH!" nasigaw ko na lang at padabog na inilapag ang kakaubos kong beer sa mesa. Ilan na ba ang nainom ko? Hindi ko na mabilang.

"Psst waiter! Tatlo pang beer at sampung isaw." pagtawag ko sa waiter na napagawi sa direksyon ko.

"H-heto na po m-miss.." mabilis naman nitong tugon sa utos ko sabay lapag ulit ng tatlong bote ng beer.

Akma ko na itong tutunggain nang may umagaw nito mula sakin.

"You're drunk. Tama na." sabi ng isang pamilyar na boses na miss na miss ko nang marinig.

Napatingin ako sa kanya pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya gawa ng kalasingan ko.

Dinuro ko siya at nginitian. "Hmmm.. Halika inom tayo!" pag aya ko rito.

"Althea, let's go. That's enough, ok?" malumanay nitong sabi.

Hinugot ko naman ang kamay ko sa kanya. "No! Halika upo ka! Kwentuhan tayo!"

Naramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang braso ko. What happened Althea? You know you can always tell me what's wrong."

"Wrong? W-wala!"

"Althea, I know you better than yourself. C'mon, tell me." pagkumbinse nito sakin. Haaay na miss ko ang boses na to.

Hinampas ko siya ng pabiro sa braso.

"HAHAHAHAHA. Inlove ba naman daw ako? Tchh. Kalokohan." pabiro kong sabi dito.

Naaninag kong napayuko siya. "Nahuli na yata ako ng dating."

Natawa lang ako sa sinabi niya. "Inom tayo! Grabe ang sakit na ng ulo ko. Lasing na lasing na talaga ako!"

"Let's go." muli nitong sambit.

Aangal pa sana ako pero biglang nandilim na ang paningin ko.




~*~





"Hmmmm..."

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Napahawak ako sa ulo ko. Grabe ang sakit sakit! I stretched my arms out and pumped my fists. Kinusot ko ang mata ko at...

"HUWAAAAAAA!!!"

Hinatak ko ang kumot at nagtalukbong pabalik.

Oh. My. Gulay.

Kaninong kwarto to?

Inikot-ikot ko ang tingin ko sa buong kwarto p-pero hindi talaga familiar ang lugar sakin!

Hala! B-baka naman... HUWAAAAAA! 'Wag naman sana!

Teka lang... Teka...

Recall...

Recall...

Naglasing ako kagabi. 'Yun ang tanda ko.

T-teka lang.. M-may kinausap ako kagabi diba? Oo meron nga!



Omg.

Omg.

Omg.

"AAAAAHHHHHH! Ilabas niyo ako dito!" sigaw ko. Kinakabahan na talaga ako.

Maya-maya bumukas ang pinto ng kwarto. Inihanda ko ang kamao ko.

"Relax Althea, it's just me." sabi nito at nginitian ako ng malawak.

Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon