X. Surprise Date

156 3 0
                                    

~

"Ano ba naman 'to Niki ang kati-kati!" pagrereklamo ko habang kinakamot ang braso ko. Hindi kasi ako sanay magsuot ng walang manggas na damit.


Ok fine. Sa hinaba haba ng pilitan portion namin eh siya ang nanalo. Nagwagi siyang mapasuot ako nung dress kanina na binili niya.


"Drix you look great kaya! Ang ganda mo nga oh! Sinuklay ko lang ang buhok mo gumanda ka na lalo!" sabat ni Niki. Tinaasan ko lang siya ng kilay.


"Whatever, pumasok na nga tayo at nagugutom na ako! Ang tagal naman niyang date mo!" pagrereklamo ko at naglakad na papasok ng restaurant.


"O.K. Ah, Drix... Errr..."


"What?" lumingon ako kay Niki.


"Sakang ka ba talaga kapag nakasuot ng high heels?" tanong niya na tinitignan ang mga paa ko.


"I don't care. I'm still gorgeous." at pumasok na ako.

---

"Niki nasan na ba ang date mo? Nagugutom na ako eh! Ano ba naman yan! Ang kati-kati pa ng suot ko tapos---"


"Nandito na pala ang date ko!" sabi ni Niki at tumayo.

At ako rin napatayo.


Sa gulat.


Welangya.


"Z-Zap?" gulat kong tanong.


"T-teka... Tol? Ikaw yan? Nandito ka pala? Aba ang ganda ganda mo ah! May date ka rin? Aba, kelan mo pa narealize na bakla ka pala?" sunod-sunod niyang tanong sabay tawa.


"Wait guys, you know each other?" pagtataka ni Niki.


"Oo, sandali lang Niki ha, kakausapin ko lang tong kumag na to." at hinigit ko si Zap papunta sa sulok.

"Hoy Zap, bakit mo ka-date ang bestfriend ko ha?" tanong ko sabay higit sa kuwelyo niya.

"T-teka lang tol!" ibinaba niya ang kamay kong nakahawak sa kuwelyo niya. "Bestfriend mo pala si Niki my labs?"

"Oo! At kailangan ko siyang protektahan sa mga playboy at kumag na kagaya mo!" tinaasan ko siya ng boses. Nagulat naman siya.


"Teka lang naman tol! Sino naman nagsabi sayong lolokohin ko si Niki my labs?" pagdadahilan niya.

"Yung mukha mo pa lang sapat nang dahilan para magsabi na lolokohin mo lang si Niki." pinanliitan ko siya ng mata at tinignan siya ng masama.

"Tol naman, di ko lolokohin si Niki my labs! She's the love of my life, my forever, my darling so sweet!" feel na feel na pagpapaliwanag niya at nakahawak pa sa dibdib niya ang mokong.

"Aray! Ang sakit naman! Para saan naman yun?" reklamo niya. Sinapak ko nga.

"Ang bakla mo. SWEAR. Pero alam ba niyang gangster ka?"

He tapped my shoulder. "Tol, sa sobrang pagmamahal ko kay Niki my labs eh kusa akong nag-quit sa gang."

"Wow ha! Bilib ako sa kabaklaan mo tol! Sige um-order ka na gutom na ako bilis!" at tinulak ko siya papunta sa table namin.

"Ang tagal niyo naman! Ano bang pinag-usapan niyo?" tanong ni Niki.

"Binalaan ko lang ang kumag na to para makasiguro akong di ka niyan lolokohin." sagot ko.

"Hehehe. Thanks Drix!" she said and smiled at me. Magkatabi sila ni Zap. Ako naman nasa harap nila.

"Nandiyan na pala yung order! Um-order na ako kanina habang nag-uusap kayo." sabi niya at nilapag na nung waiter ang mga orders. "And oh! Nandiyan na rin yung ka-date mo!"

"WHAAAT? D-DATE? A-AKO?" gulat kong tanong.

"Yes! Ayan siya oh!" sabi niya sabay turo sa likuran ko. Lumingon ako.

O__O

O__O

U___U

NO. NO. NO.

Umupo na siya sa tabi ko.

"Hi Althea! Wow ha, di ko alam na magpapaganda ka talaga ng husto para sakin! HAHAHA. Pero, wow, you look perfect!" sabi niya then gave me his brightest smile.

Napa face palm na lang ako.

I swear. Humanda mamaya sakin si Niki.

***

Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon