XII. Deal

134 2 0
                                    

~


"Drix, ano ba! Don't move!" paulit-ulit na linya ni Niki habang sinusuklay ang buhok ko. Nandito kami ngayon sa corner ng classroom namin dahil absent yung teacher namin sa second period.

"Eh naasiwahan ako eh!" reklamo ko na nakabusangot ang mukha. Hindi naman kasi ako actually nag-aayos eh. Kabaklaan yun. Nang dumating lang naman tong si Niki eh hinahawaan ako ng mga kabaklaan germs niya.

"Para kang ignorante sa suklay! You don't seem to have combs in your house, eh?" pang-aasar niya.

"Eh kasi hindi ako bakla."

"Bakit? Bakla lang pa ang nag-aayos?" sabi niya at may inilagay na bagay sa buhok ko pero di ko makita. Parang clip. Ewan ko.

"Ayan! Maganda ka na!" may itinapat siyang salamin saming dalawa. "Pareho na tayo!"

"Ano 'to Niki?! Bakit mo ako nilagyan ng ribbon sa ulo? Ano ako regalo?!" singhal ko at akmang tatanggalin na sana yung lesheng laso na yun pero pinigilan niya ako.

"Huwag Drix, please! Pretty please?" at nag-puppy eyes sakin ang bruha.

"Ok, fine. Pero huwag ka ngang mag-puppy eyes diyan para kang sinipang aso sa kalsada."

"Ang harsh mo naman! Ang ganda ko masyado para maging aso. But anyway, thanks Drix! Ayan, pareho na tayong maganda!" masigla niyang tugon at sinuklay niya yung oh so long hair ko gamit ng kamay niya.

"Tss. Mas maganda ako sayo ng sampung ligo." pang-aasar ko naman.

"Hayaan mo, pagdating ko sa bahay mamaya, maliligo ako ng sampung beses para magkasing-ganda na tayo!" she exclaimed and smiled brightly.

Kahit may pagkabakla at childish tong si Niki at least, nakapagtiyaga siyang kaibiganin ang cold-hearted na babaeng katulad ko.


---

"Hoy bruha ka, paano nga pala kayo nagkakilala ng mokong na Zap na yun?" tanong ko kay Niki sabay subo ng baked mac na baon niya. Break time na kasi namin ngayon at nandito kami sa cafeteria at kasalukuyang inaatake ko ang baon niya.

"Huwag mo ngang tawaging mokong ang baby Zap ko!" reklamo niya. "Ganito kasi yun. Um-attend ang family ko sa party na naganap sa bahay nila noon. Biruin mo, family friend namin ang mga magulang niya! Kaya dun kami unang nagkakilala. Tapos nung bumalik na ako sa China, nag-ch-chat pa rin kami. Sa chat na rin siya nun nagtapat ng feelings niya at tsaka nanligaw. Kaya when I went back here in Philippines, inaya niya akong i-date agad! Diba nakakakilig!" pagkuwento ni Niki at kinikilig ang bruha. Ako naman, poker face.

"Ah, basta! Mag-iingat ka pa rin dun!" sabi ko and stuffed more mac in my mouth.

"Aye, aye, captain! Basta I can assure you, he's my true love!" masigla niyang sagot.

"Ok. Basta ako, true love ko ang pagkain and pinaka-romantic place sakin ang kitchen. Nandoon ang true love ko." sabi ko na punung-puno ng pagkain ang bunganga ko.

"Eew Drixyl, don't talk when your mouth is full!" saway sakin Niki. "Nakababawas ng poise!"

"Paki ba nila eh maganda naman---H-HEEEY!!!" Nagulat ako nang may biglang humatak sa braso ko at itinayo ako.

"Everyone, listen carefully." pagpukaw niya sa atensyon ng nga students sa cafeteria. "This girl..." inakbayan niya ako. "...is now my girlfriend."

Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon