~
Gray's POV
___
"Ok. Let's break up." walang ka gana-gana kong sabi sa ka-fling ko ngayon. Tiningnan naman niya ako ng nakakaloko.
"Oh darling, you're kidding right?" pabiro pa niyang tanong sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko. I gave her a cold glare kaya napabitaw siya sakin.
"We're finished." I said frigidly. Tumayo na ako kaso lang agad niya naman hinatak ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
"Gray naman! Kahapon lang naging tayo di ba?" maluha luha niyang tanong.
"So?"
Napayuko siya. Haay. Bakit ba ang boba niya?
"Bakit Gray? A-ano bang k-kulang s-sakin?" she asked me with a shaking voice.
Haay ang daming diskusyon! Pwede bang magpasalamat na lang siya dahil natiis ko pa siya ng isang araw?!
Tiningnan ko siya ng mariin. "You act like a manang. At ayoko ng ganon. Nagsawa na ako sayo. Saan ba banda sa 'I want to break up with you ang hindi mo maintihan?"
"No! Y-you said you love me!" mabilis niyang sagot. Hay, boba nga.
"Kaya ayaw ko sa mga innocent girls like you. Paniwalang paniwala talaga kayo sa mga happily ever after niyo. Tch."
Humakbang na ako palayo sa kanya pero dahil nga boba siya eh sinundan pa rin ako.
"Gray! Please don't do this to me! Mahal naman kita diba?" sigaw niya. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad.
Hay naku. Pasalamat nga siya pinatulan ko siya! Isipin niya na lang, isang napakagwapong Gray Vasque ang pumatol sa mukhang manang na katulad niya! At swerte niya dahil kasali siya sa mga very lucky girls na naka-fling ko!
Teka, speaking of girls, nasan na nga ba yung bago kong girlfriend? HAHA. Gulat kayo no? Ang bilis diba! Eh kasi nga gwapo ako. Yung babaeng yun nako! Sinabihan ko lang kanina na maganda siya ayun nagmakaawang maging girlfriend ko daw. Ano pa bang magagawa ko? Edi pagbigyan ko na lang baka maglaslas pa edi konsensya ko pa.
"Honey!" sabi ng isang malanding boses mula sa likod ko with matching back hug pa. Kinuha ko ang kamay niya na nakapulupot sakin at nilingon siya.
"You're 5 minutes late." I said with a serious tone.
I heard her chuckle. "Sorry hon--"
"Break na tayo. Ang ayoko sa lahat ay yung pinaghihintay ako."
"B-but honey--"
"Tapos na tayo. Get your hands off me." I said plainly. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko baka ma-late pa ako sa next subject ko. Good thing hindi na ako sinundan nung babaeng yun. Akalain mo? Ako, ang napakagwapong si Gray Vasque, pinaghintay niya ng 5 minutes? Hindi pwede yun!
"Halika bilis! May babae raw na binuhusan ng semento at pinaghahampas ng kahoy sa ground!"
"OMG? Really?! Tara let's see!" pagyayaan nung dalawang babaeng nakasalubong ko sa corridor kaya napatingin ako sa baba. At ayun, nakita ko ang tumpok ng mga estudyante na nasa ground. At dahil sa sobrang dami ng tao, hindi ko makita yung tinutukoy nilang babae. Tch. As if naman interested akong maki-chismis. Napakagwapo ko kaya para maging chismoso lang.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Vs. Miss Fierce
Teen FictionThere was once a girl na basagulera at pinagpipilitan niya sa sarili niyang kahit kailan eh di siya iibig. There was once a boy, este, a playboy na mahilig magpaiyak ng mga babae. At katulad ni girl, hindi rin naniniwala sa pag-ibig. Pero paano kapa...