"Alam mo Althea, napakatigas talaga ng ulo mo! Aware ka ba na sobrang tigas ng ulo mo ha? Ano bang problema mo? Buong weekend wala ka nang ginawa kundi gumala ng gumala. Imbes na mag-aral ka sana mas pinili mo pa ring gumala! Ganito ba palagi ginagawa mo dito habang wala ako? Eh pagbalik ko ulit sa States baka mas worst ka pa! Ikaw na bata ka! Hoy Althea nakikinig ka ba ha? Hoy!" pagsermon sakin ni Ate Dianne habang sinusundan akong bumaba ng hagdan. Lunes na Lunes tinatalakan na naman ako. Haaaay. Kung alam niya lang na binisita ko si Mommy. Palibhasa parang wala na siyang pakialam kay Mommy. Ni hindi niya nga dinalaw eh. Mukhang ako na lang ang may malasakit sa kanya. Kaya dadalasan ko na talaga ang raket ko para mabilhan ko siya ulit ng mga kailangan niya.
Dumiretso lang ako sa paglalakad papuntang dining table para mag-almusal. Nakasunod pa rin si Ate sakin. Ok. Mukhang sabay kaming kakain ngayon.
"Hoy ikaw Althea, hanggang kailan ka ba ganyan ha?" pagpapatuloy ni Ate sabay upo. Magkaharap kami ngayon pero di ko siya tinitignan. Baka mamaya masunog pa ako sa nag-aapoy niyang mata.
"Althea sumagot ka nga!"
Di ko pa rin siya nililingon. Instead, yumuko ako.
"Kaya hanggang ngayon wala kang boyfriend kasi para kang halimaw na anytime mangangain ng tao." bulong ko sa sarili ko.
"Anong sinabi mo?!" tanong sakin ni Ate sa mataas na tono.
"A-ah eh... Sabi ko bibilisan ko nang kumain para di ako ma-late hehehe." pagdadahilan ko naman.
Maya-maya lang rin natapos na akong kumain at nagpaalam na ako sa bruha kong Ate.
---
"So saan tayo mamaya honey?" tanong nung babaeng mukhang baluga kay Gray habang iniikot-ikot yung tie niya. Ayan ang sumalubong sakin pagkapasok ko ng classroom. Arrrgh. PDA talaga ha? At sa classroom pa!
Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na lang ako sa upuan ko.
"Uy Althea!"
Napalingon ako at nakita kong papalapit sakin si Gray. Tiningnan ko yung babaeng baluga na kausap niya kanina. Nanlilisik ang mga mata niya sakin.
Bumalik ang atensyon ko kay Gray. Umupo siya sa silyang katabi ko. Medyo may katangkaran rin kasi ako kaya nasa dulo yung upuan ko at wala akong katabi.
Hindi ko lang siya pinansin na para bang hindi ko siya nakita.
"Uy Althea, musta weekend mo?" humalumbaba siya para tignan ang mukha ko.
"Wag mo nga akong tawagin sa pangalang yan. Di naman tayo close." pagtataray ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nakakainis na talaga siya kahit kailan. Dati naman di naman niya ako pinapansin ah.
Inisod niya yung kinauupuan niya papalapit sakin.
"Oh ayan, close na ba tayo?"
Hinarap ko siya at bigla akong napaatras. Ang lapit ng mukha niya sakin. Tinulak ko yung noo niya gamit yung hintuturo ko.
"Hoy wag mo akong igaya sa nga babae mong mga haliparot. Alis na diyan kung ayaw mong masuntok ulit." pagbabanta ko.
Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si Miss Avelino. Agad naman siyang tumayo at bumalik sa upuan niya.
"Good morning class! Today, may bago kayong kaklase. She's from China. I hope you'll be nice to her." Nakita ko namang sumenyas si ma'am sa may pintuan at pumasok na yung new student.
"Ok hija, introduce yourself."
"Hi everyone! I'm Dominique Liu!" pagpapakilala naman niya sabay kaway samin. "Nice meeting you all!" pagpapatuloy niya sabay ngiti. Maganda naman siya kaso medyo payat. Actually medyo kahawig niya nga yung bestfriend ko noon bata pa ako na nasa ibang bansa na ngayon. Matangkad siya tapos maputi. Masasabi mo talagang may lahi siyang intsik.
Nagtama ang tingin naming dalawa at nginitian niya ako. Nagsmile rin naman ako sa kanya. Yung akward smile nga lang. Nge? Napansin niya ako?
"Ahhm, Miss Liu your seat is beside Miss Guerrero." WHAAAT? Sige ok lang. Di rin naman nakakagulat eh kasi matangkad siya at ako lang ang walang katabi. Nakita ko naman yung reaksyon niya. Mas lalong lumawak yung ngiti niya ear to ear talaga. Naglakad na siya papunta sa tabi ko. Mas lalo pa niya akong nginitian.
Umupo na siya sa seat na katabi ko. Muli niya akong tinignan at ngumiti ulit. Bakit ba siya ngiti ng ngiti? May sayad ba to sa utak? Baka takas sa mental?
"Ok class, iiwan ko muna kayo saglit. There's ang urgent meeting sa faculty office. And please behave." at lumabas na yung adviser namin.
Sumandal ako sa upuan ko habang pinaglalaruan ko yung ballpen ko.
"Hi Althea!"
Nagulat ako nang binati ako ni Dominique. Bakit niya alam pangalan ko? Apo ba siya ni Madam Auring?
"H-ha? Bakit mo alam ang pangalan ko?" gulat kong tanong sa kanya. Nginitian niya ako.
"Sino ba yung pinakamaganda mong bestfriend sa whole wide world?"
T-teka...
She's...
"Kikay? Kikay ikaw ba yan?" tanong ko na gulat na gulat at hinawakan ko yung mga balikat niya sabay yugyog sa kanya. Di talaga ako makapaniwala.
"Haha. Oo Teyang. Ako to si Kikay. Pero wag mo na akong tawaging Kikay. Niki na ang nickname ko." sabi niya tapos ngumiti ulit sakin. Niyakap niya naman ako ng mahigpit. "I really missed you. Ang tagal nating di nagkita!"
"Oo nga eh. Di na nga kita nakilala. Kikay lang kasi ang alam kong pangalan mo. Ang ganda mo na ah! Noon para kang batang uhugin ngayon um-improve ka na ah!" tukso ko naman sa kanya. "Tsaka wag mo na akong tawaging Teyang! Ang panghi pakinggan! Drix na lang!" Nagtawanan kaming dalawa.
Tinitignan kami ngayon ng mga kaklase namin pero wala akong paki. Ang importante sakin ngayon ay may panibago na akong kasangga. Nandito na si Niki. Hindi na ako mag-iisa. Sana.
***
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Vs. Miss Fierce
Teen FictionThere was once a girl na basagulera at pinagpipilitan niya sa sarili niyang kahit kailan eh di siya iibig. There was once a boy, este, a playboy na mahilig magpaiyak ng mga babae. At katulad ni girl, hindi rin naniniwala sa pag-ibig. Pero paano kapa...