Chapter Sixteen

114 2 0
                                    


~

"Haaay... Salamat natapos din!" nasabi ko na lang sa sarili ko at napabuntong hininga dahil sa pagod.

Nandito kasi ako ngayon sa Science Lab namin at...

...kakatapos lang maglinis.

Binigyan kasi ako ng disciplinary action dahil dun sa pagsuntok ko kay Megan. Kung ano-ano kasi ang pingasasasabi sakin yun tuloy kahit hindi ko naman siya ini-English eh nosebleed siya.

At dahil nga sa parusang ito, na postpone ang pag-aaply namin ni Niki sa coffee shop ng pinsan niya. Hindi naman nagalit si Niki sakin dahil nanuntok na naman ako kasi naiintindihan niya naman daw ako. Oh diba? Supportive bestfriend!

Napatingin ako sa wrist watch ko and GAAAHD! 7:00 na ng gabi! Buti na lang at nakaalis na ang halimaw kong ate kundi patay na naman ako nito!

Sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko at ayusin ang sarili ko nang may marinig akong kalaskas sa may pinto ng Lab. Ano naman kaya yun?

Multo? Suuus, kabaklaan lang ang paniniwala sa multo. Kung magnanakaw man edi, yari sakin ngayon yun!

Dinampot ko ang kahoy sa gilid ko at dahan-dahang humakbang papunta sa pinto. Nang makalapit na ako sa pinto, pinakiramdaman kong mabuti kung ayos na ba ang timing ko.

Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa doorknob at nang mahawakan ko na ito agad kong binuksan ang pinto at inihampas ang hawak-hawak kong kahoy at...


BOOOM!!!


"AAAAH!!! What have you done you stupid!" gulat na sigaw ng isang babaeng unknown specie sa harap ko.


at...


...bumulaga sakin ang pagmumukha ni Gray na nakahandusay sa harap ko.

Iningat ko ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko. Gulo-gulo ang buhok niya. Her lipstick is messed. And... the first two buttons of her blouse are open.


"GAAAHD! Gabing-gabi na nagme-make-out pa kayong mga kadiri kayo!" bulalas ko. YUUUCK! NAPAKA-KADIRI NILA! NAKAKAPANINDIG-BALAHIBO!

"Y-You know what, kasalanan mo 'to eh." Aba't nanisi pa ang bruha!

"At ano naman ang naging kasalanan ko? Kayo nga 'tong malalanding gabi na eh nandito pa sa school at nag me-make-out! Mga haliparot!" naibulyaw ko na lang. Talandee!

Napa-facepalm siya. "You stupid! Bakit mo naman siya hinampas?!"

"Eh malay ko ba---"

"You fix this! Ikaw gumawa niyan! Mabuti pa umalis na lang ako dito baka mahuli pa ako." sigaw niya at tumakbo palayo.

HUUUTAENA.

Iniwan niya sakin ang mokong na 'to?!


Ano namang gagawin ko dito?! Kung minamalas nga naman oh. Wala naman akong balat sa puwet para malasin ako ng ganito kabongga ngayong araw!

Lumuhod ako at tinignan ang mokong na nakahiga sa sahig. Mukhang nawalan nga ng malay ang isang 'to. Malandi kasi.

"Hoooy! Malanding impakto gising!" sigaw ko habang pinagsasampal ko ang pisngi niya.

"Hoooy Gray woohoo!" pag-gising ko sa kanya. Niyugyog ko siya at binuksan-buksan ang mata niyang nakapikit baka sakaling dumilat pero wala talaga.

Napabuntong hininga na lang ako.


Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinatak paibaba...

...at pumaibabaw siya sakin


...at nginitian ako ng nakakaloko.

"H-hoy malandi ka u-umalis ka d-diyan! B-bubugbugin kitang k-kumag ka!" nauutal kong sita sa kanya pero instead na masindak siya mas lumawak pa ang ngiti niya.

ANAK NG---!

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin.

"O-oy! Gray h-hindi tayo t-talo!"

Mas inilapit pa niya ng husto ang mukha niya sakin...

Kaya I have no choice but to do this...


BOOOGSH~!

Tumagilid si Gray sa sahig and nawalan ng malay... AGAIN.

Tumayo ako at napatingin ulit sa oras. 8:00 na! Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at agad tinext ang driver ko para sunduin ako.

Napatingin ako sa nakahandusay na Gray sa sahig. Ok. Seems like I'm out of choices.

Hinila ko ang kamay ni Gray at iniakbay sa balikat ko at buong-pwersa itong hinila. Anak ng tokwa naman oh! Ang bigat naman ng kumag na 'to!

Nang makarating kami malapit sa gate, nagpalinga-linga ako. Baka sakaling nandoon si manong guard at kung ano pang isipin. Good thing nasa kabilang building siya.

Mabilis kong hinila si Gray palabas at nagpatulong kay manong driver na buhatin ang nilalang na 'to. Buti naman at di tsismoso si manong kaya naman hindi naman siya nagtatanong.

Habang nasa biyahe kami, doon ko lang na-realize na hindi ko pala alam kung saan nakatira ang nilalang na 'to. Baka isa siya sa mga taong Tabon at sa kuweba siya nakatira kaya mukhang unggoy siya?

Arrrgh. Mukhang wala na akong choice kung hindi dalhin siya sa bahay.

And this is my WORST DAY EVER.

***

Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon