~
"Hi Althea!"
Naglalakad ako papunta sa classroom nang may umakbay sakin mula sa likod. Sino pa nga ba?
Inangat ko ang braso ko at itinampal sa mukha niya ang likod ng kamay ko. Napaatras siya ng kaunti.
Kailangan bang first thing in the morning makita ko ang pagmumukha niya?
"Go away." I said with a serious tone. Binilisan ko ang lakad ko...
...at binilisan niya rin ang lakad niya na nakasunod parin sakin.
"Ang sungit naman ng girlfriend ko!" pang-aasar niya.
I sighed in disgust.
Hinarap ko siya at tinignan ng seryoso.
"Can you please stop talking to me?" I said in between gritted teeth. Uggh. He's such an annoyance.
"Gray!" narinig kong tawag ng barkada niya.
"Later, Althea." he said before walking away from me. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at nagpatuloy pa ring naglakad papuntang classroom.
---
"Aw. My. Gawd. Here she is."
"Yeah. The silent malandi."
Iyan agad ang sumalubong sakin pagkapasok ko pa lang sa classroom. Puro parinig ng mga maarte kong kaklase. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at hinayaan ko na lang sila sa pagpaparinig sakin pero deep inside, gustong gusto ko na talaga silang kalbuhin. Umupo na lang ako at hinintay na dumating si Niki. Bakit ba kasi ang tagal nung babaeng 'yun? Palibhasa, sobrang natatagalan yun sa harap ng salamin at nagpapakabakla.
"Hi Drix!"
Speaking of the devil, nandito na ang bruha kong bestfriend.
"Nandiyan ka na pala! Ang tagal mo naman!"
Naupo siya sa tabi ko. "Sorry naman po." sabi niya. "By the way, nakaalis na ba si Ate Dianne?"
"Ah, oo kanina lang yung flight niya. Ang saya nga eh wala nang magagalit sakin araw-araw! Mag-isa ulit ako sa bahay!" masigla kong tugon.
"Grabe ka naman Drix, ang sama mo sa ate mo." saway niya.
"Eh bakit ba? Ang sama niya rin naman sakin ah! Eh palibhasa---"
"Shhh. Nandiyan na si ma'am" pagputol niya at umayos kami ng upo.
"Good morning class." bati ni Miss Avelino.
"Good morning Miss Avelino."
"Today, we are having a 50-item quiz. I hope you've all studied your lessons well." Miss Avelino enunciated. Ok lang. Kahit paano may pumasok naman sa kukote ko sa mga previous lessons namin sa Trigo.
"Get one and pass." Miss Avelino instructed us and gave the sheet of test papers to the first person of the column.
Pagkarating ng test paper sakin, bumulaga agad ang sampung equations. Each has five points. Suuus. Ang chicken naman nito!
Matapos ang 10 minutes, natapos ko nang sagutan yung akin. Ha! Ako ang unang nakatapos! Agad akong tumayo para ipasa ang papel ko kay ma'am. Nagsipag-tinginan ang mga kaklase ko sakin. Mukhang gulat na gulat sila dahil naunahan ko sila. Aba, huwag nila akong maliitin ngayon! Seryoso na ako ngayong mag-aral!
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Vs. Miss Fierce
Teen FictionThere was once a girl na basagulera at pinagpipilitan niya sa sarili niyang kahit kailan eh di siya iibig. There was once a boy, este, a playboy na mahilig magpaiyak ng mga babae. At katulad ni girl, hindi rin naniniwala sa pag-ibig. Pero paano kapa...