III. Painful Past

213 4 0
                                    

"Oh, hello Althea! Come, join me for breakfast." yaya sakin ni Ate Dianne na nakaupo na sa dining table and drinking her coffee.

"Thanks Ate, pero wala akong gana." matamlay kong tugon then kissed her cheeks. Iniisip ko parin kasi yung kagabi. "I'm going to school na. Bye."

Tumalikod na ako.

"Ayaw mo ba akong makasabay kumain?"

"It's not that ate. Wala lang talaga akong gana." I answered nang nakatalikod. I started walking again and headed to the car.

"Let's go manong."

Pumasok na ako sa loob. I looked myself at the front mirrror of the car. I looked so pale. Bumabagabag pa rin sakin yung nangyari kagabi.

He called unexpectedly.

And dapat hindi ko na yun sinagot pa. Bumalik na naman ang sakit at galit na naramdaman ko nung iniwan niya kami at nakita kong umiiyak at unti-unting nanghihina si mommy.

FLASHBACK...

10 years ago...

Nabuhay kaming dalawa ni ate sa isang pamilyang masaya to think na our family is almost perfect. Kitang-kita namin kung gaano kamahal nina Mommy and Daddy ang isa't isa. Hindi kami nila pinapabayaan. Kahit na busy sila sa work, they always make sure that they have time for family bonding. And sana yung mga panahon na yun were the happiest moments of our lives, until one day...

"Darwin, huwag mo kaming iiwan! Nagmamakaawa ako! Lahat gagawin ko basta manatili ka lang sa tabi namin ng mga anak natin!" humahagulgol na sabi ni Mommy habang nakaluhod sa harap ni Daddy at hinahawakan ang mga kamay nito. Bumaba ako ng hagdan at pumunta kay ate habang hawak-hawak ang manikang bigay ni Daddy nung birthday ko.

"Ate, anong nagyayari? why's Mommy crying? At bakit naka-impake si Daddy? Are we going on an outing today?" sunod-sunod kong tanong kay Ate Dianne. Hindi niya ako sinagot instead, umiyak narin siya at hinawakan ang kamay ko.

"Darwin... Please... Huwag mo kaming iwan..." narinig kong pagmamakaawa ulit ni Mommy.

"Alicia, bibisitahin ko pa rin naman ang mga anak ko. Pero sa ngayon, pakawalan mo na ako. Mahal ko na siya kaya sa kanya ako sasama." sagot ni Daddy na nakaiwas ang tingin sabay hila ng kamay niyang hawak ni Mommy. Tuloy parin sa paghagulgol si Mommy at nakaluhod parin. Tinalikuran na siya ni Daddy.

"Daddy, where are you going?" tumakbo ako papunta kay Daddy at hinawakan ang kamay niya. Humarap siya sakin then kneeled down in level with me.

"Althea, Daddy is going somewhere." he answered.

"Where is somewhere, Daddy? Can we go there too?" tanong ko ulit sa kanya.

"No sweetie, but I promise babalikan kita, ok?"

"Hindi mo na ba kami mahal Daddy?"

He kissed my forehead.

"Of course, I love you sweetie. Maglalaro tayo ulit sa garden ok? But for now, I need to go." He kissed my forehead again. "Goodbye, baby." at naglakad na siya palabas ng bahay. Hahabulin ko sana siya kaya lang hinawakan ako ni ate at iniharap sa kanya.

"Hayaan mo siya, Althea. Kung talagang mahal niya tayo, babalik siya." pag-eexplain sakin ni ate habang umiiyak. Niyakap niya ako.

"Don't cry na Ate Dianne, he promised me he'll come back." I smiled. "Daddy always keeps his promises."

"I hope so, Althea." she sighed heavily. Lumapit ako kay Mommy.

"Mommy... Don't cry na."

Hindi sumagot si Mommy. Instead, she ran to her room and locked herself inside.

---

Every morning, pagkagising ko agad akong tumatakbo papuntang garden to check if Daddy already arrived. But months passed, there's no sign of him.

"Ate Dianne! Where is somewhere? Let's go visit Daddy! Ang tagal niya kasi umuwi. Tayo na lang pumunta sa kanya." I requested her sabay kalabit sa kanya. Nagulat naman ako nang tinabing niya ang kamay ko.

"Ano ka ba Althea! Ang kulit mo! Hindi na siya babalik! Hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap!" sigaw niya sakin.

"No Ate! Sinungaling ka! Babalik si Daddy!" Tumakbo ako papuntang garden habang umiiyak.

"I know Daddy would come back. He promised me he would." umiiyak kong sabi. Kinakausap ko ang manikang bigay ni Daddy at naupo sa swing.

Naghintay ako. Umaasang tutuparin ni Daddy abg pangako niya na babalikan niya kami.

1 year...

2 years...

6 years...

Wala pa rin. Still, no sign of him.

"Daddy! Sinungaling ka! I hate you! You didn't keep your promise!" nagsisisigaw ako sa garden habang hawak ang manikang bigay niya. Sinunog ko yun dahil sa galit.

I lose hope. Pinaasa niya ako. Nagtanim ako ng galit sa puso ko hanggang ngayon. Naitanin na rin sa puso kong lahat ng mga lalaki manloloko.

----

"Ma'am, we're here."

I was back to my senses.

I get down the car and sighed.

Kailangan kong maging matatag. Hindi dapat ako magpatalo sa sakit na nararamdaman ko. Para kapag nagkita kami ng hinayupak kong tatay, makikita niya akong matapang at patuloy na lumalaban kahit iniwan niya kami.

****

Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon