Yes! Sabi ko na nga ba panalo na naman ako! Ang chicken ba naman kasi nung kalaban! Di man lang ako napuruhan!
"And again, the champion for this International MMA Competition is Drix Guerrero!"
Whoooo! Naririnig ko ang hiyawan ng mga taga-suporta ko!
"Haaalaaabyuuu mwaah mwaah tsuup tsuup!" at kumaway-kaway ako sa kanila.
"Ma'am Drix! Naku po ma'am bumangon na kayo bilisan niyo po!"
sabi sakin ni yaya na parang natataranta.Eh? Nandito si yaya? Supporter?
Bakit niya ako pinababangon? Di naman ako na-knockout ah!
"Hoooy! Babaitang salbahe! Bumangon ka na diyan kung ayaw mong ako mismo ang kumaladkad sayo!!!"
Eh? Nandito rin si A---
"Araaay! Ate! Ansakit na diyan! pwede sa kabila naman---Araaay!"
at tuluyan na akong piningot ni ate kaya naman napabangon ako mula sa pagkakahiga ko. Takte. Akala ko totoo na. Panaginip lang pala.
"Ikaw talagang bata ka k-blah-blah-blah-..." di ko na pinakinggan si ate na nagtatalak at agad na akong pumasok ng shower room.
---
"Bye, Ate. Una nako." I kissed her cheeks and waved goodbye.
Haay nakoo. Ang laki ng nabawas sa allowance ko. Dapat dumami ang raket ko para dagdag income!
---
"Aw. My. Gawd. Diba siya yung girl na sumuntok sa beloved Gray natin?"
"Oo nga siya yun!"
"Ang kapal talaga ng mukha!"
Ayan. Pagpasok ko pa lang sa gate hanggang dito sa hallway eh pinagchi-chismisan ako. Oh diba? Instant sikat ako ngayon.
At yung mga bruhang mga babaitang yon makasabi ng "kapal ng mukha" sakin eh akala mo sarili nila pinapatamaan nila. Ang kakapal ng mga make up at putok na putok ang blush-on kay aga-aga. Dinaig ang blush-on ni Lottie.
Patuloy lang ako sa paglalakad at di ko na sila pinansin pa. Mamaya, before I could help myself eh masuntok ko pa edi dagdag violation and pingot nanaman.
"Hoy. Who do you think you are?!" sabi ni Lottie--este--nung babaeng pinasabugan ng blush-on ang pisngi at hinarangan ako. And oh, dalawa sila! May sidekick! Infairness. Takuut akuu? (nek nek nila)
"Ako? Oh, well, I'm Althea Drixyl Kwon Guerrero, 16 years old, a Fourth---"
"Di namin kailangan ng mabantot mong pangalan. Bakit mo sinuntok ang Fafa Gray ko?"
Eh? Tinanong niya kung sino ako tapos di niya daw kailangan ng pangalan ko? Ano yun?
"Sagutin mo kami!" sigaw nung kasama niya.
"Sasagutin? Bakit nanliligaw ba kayo sakin?! Luh? May tomboy na pala ngayong putok ang blush-on?" pilosopo kong sagot sa kanila.
"How dare you!"
"Now if you'll excuse me, I need to go dahil male-late na ako."
"At sino may sabi na padadaanin ka namin?" pagmamatigas nila.
"Ako." I said in a sarcastic way at pinanliitan ko sila ng mata.
Mas hinarangan pa nila ako.
And I have no choice but to do this kundi male-late na naman ako at pagalitan na naman ng adviser ko.
"Bleeeee!" binangga ko sila habang tumatakbo at humihiyaw. HAHAHA. Akala nila masisindak nila ako. Asaness men.
---
"At dahil napansin kong may mga mababa pa rin ang grades sa Math and Physics, I've decided na magkaroon ng mga study assistant ang mga students na napili ko. And this will happen for 2 months. And after 2 months, let's see if may improvement at pag wala, I'll add another 2 months." pag-eexplain sa amin ni Miss Avelino. "And for the tutors, of course, I'll add extra points sa inyo depende sa improvement ng tinuturuan niyo. Ok, i-a-announce ko na ang mga students that need assistance."
God, please, sana po wala ako sa listahan. Promise magsisipag na po ako sa pag-aaral gaya nang dati please po. Basta wag lang po ako madala sa listahan ngayon. Kailangan ko pa naman ng extra income ngayong kinaltasan ang allowance ko.
"Demi Blanco will accompany Marie Esteban." pagsisimula ni Miss Avelino.
"Kent Eliseo will accompany Deric Garbo."
"Jessa Mayoga will accompany Marvin Castillo, and lastly..."
ayan na...
sana talaga hindi ako yan...
"Marcus Gray Vasque will accompany..."
Naku! Lalong huwag dapat ako!
Pramis magpapakabait na ako!
"Miss..."
Not me. Pliiith. Not me!
"Miss Athea Drixyl Guerrero."
BOOM. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Para akong nabingi sa narinig ko.
Ako? As in Ako?
Magiging tutor ko siya?
Lumingon ako sa direction ni Gray. And he's looking at me while an evil grin formed on his face.
I'm doomed.
NO WAY. NO FREAKING WAY. I've gotta do something.
THIS CAN'T BE.
Pag nangyari yon, maghahalo ang balat sa tunalupan.
****
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Vs. Miss Fierce
Teen FictionThere was once a girl na basagulera at pinagpipilitan niya sa sarili niyang kahit kailan eh di siya iibig. There was once a boy, este, a playboy na mahilig magpaiyak ng mga babae. At katulad ni girl, hindi rin naniniwala sa pag-ibig. Pero paano kapa...