Chapter Twenty Two

142 2 8
                                    

-

~

Gray's POV

-


"A-aray! Ano ba!" pagrereklamo ni Althea habang sinusuklay ko ang natigang niyang buhok. At oo, isa ako ngayong dakilang matulunging napakagwapong nilalang.


Sinamaan ko ng tingin si Althea mula sa salamin sa harap namin.

"Huwag ka na ngang magreklamo! Ikaw na nga 'tong tinutulungan!" sumbat ko habang tinatanggal ang kaunting semento na nadikit sa buhok niya. "Buti na lang talaga at nakatali pataas ang buhok mo kanina at sinuot mo yung sumbrebro mong pangjejemon kung hindi siguradong mukha ka nang rebulto ngayon."

Nakita kong napangiti siya. "Oo, at magiging rebulto ako ni Aphrodite." sabi pa niya at humalakhak na akala mo malalaglag na ang gilagid niya sa kakatawa.

Pinanliitan ko siya bg mata. "Sobra naman yang self confidence mong taglay." pag-asar ko naman.


Haaay ewan ko nga ba kung bakit up to this time nandito pa rin ako sa bahay ng babaeng 'to. Infact, sa ganitong oras, nasa bar na ako at nakaakbay sa one to sawang mga babae. Ewan. I seem to have lost my appetite on other girls ngayong araw.


Naramdaman kong tinapik ni Althea ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagsusuklay sa buhok niya. Yeah. Sa gwapo kong 'to eh ginawa lang akong parlorista ng bruhang 'to.

Napatingin ako sa kanya. "What."


"Uwi ka na." she said plainly. Wow ha? Matapos ko siyang tulungan at lahat lahat pinagtabuyan ba naman ako? Ang gwapo ko ha!

Naupo ako sa sofa. "No. Dito ako magdi-dinner. Bayad mo yun sakin sa pagtulong ko sayo." I said and winked at her.

"Bakit? Sinabihan ba kitang tulungan mo ako?" pagmamaldita niya. Wow ha. Nahiya naman ako sa pagtulong ko.


I smiled at her playfully. "Basta. I'll stay here until I'll have dinner with you."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ako sanay na may kasamang kumain kaya umalis ka na."

Tumayo ako at tinapik ang balikat niya. "Well ngayon, masanay ka na." sabi ko at nginitian siya ng nakakaloko at naglakad papuntang dining area nila. Padabog naman siyang sumunod sakin. HAHA. Ang cute niya asarin!


---


"Hmmm... Mukhang mabango yung pinaluluto mo para sakin ah! Halatang gusto mo akong i-impress!" pang-aasar ko kay Althea. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa dining table.

She rolled her eyes and crossed her arms. "I hate you." she said. Napatawa na lang ako.

"Yayaaaa!!!" sigaw ni Althea kaya napatakip ako ng tenga ko. Ano ba tong babaeng 'to parang pinaglihi sa sound system!

Nakita ko naman yung yaya niyang nagmamadaling pumasok ng dining area dala ang pinaluto ni Althea. "H-heto na po m-ma'am!" natatarantang sagot nito sabay lapag ng niluto niya.


Kiniskis ni Althea ang mga palad niya na halatang halata na natatakam nang kumain. Kinuha niya ang takip nito at...

Mr. Playboy Vs. Miss FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon