Chapter 7: The Son's Heart

19.1K 418 10
                                    

Edited: 06172017

******

Mia's POV

Gaya ng sabi ni Marco ay tumabi sya sakin sa pagtulog. Nakahiga na kaming dalawa pero talagang kapansin-pansin ang pagiging tahimik nya. Hindi naman sya ganito dati. Minsan ako na ang nakakatulog sa dami nyang kwento tungkol sa school, sa mga crush nya, pati mga kaibigan nya. Pero ngayon walang syang imik. Hindi pa naman sya tulog. Nakayapos lang sya sakin.

He might be really upset. Hindi kaya may nabagsak syang subject at matatanggal na sya sa scholarship? Pero wala namang kaso iyon. Walang problema kung magbabayad ako ng tuition nya.

Naku, baka masyado nang pressured ang anak ko sa pag aaral. Kawawa naman ang baby boy ko.

" Bakit ang tahimik mo, anak. May problema ba? " hindi ko na natiis na hindi magtanong.

" Wala naman po. Napagod lang po ako sa school. Ang daming requirements at quizzes eh. " aniya na hindi tumitingin sakin. Yumakap lang sya lalo ng mahigpit sakin at para bang naglalambing.

As if I'll buy it. I know you, anak.

" Hindi eh. Kilala kita anak. Mula ulo hanggang paa, alam kong may problema ka. Kahit itago mo sakin malalaman ko din."

He sighed at umiling lang.

Hindi ko na rin pinilit. Magsasalita din yan, alam ko.

Mahabang katahimikan ang sumunod. Hindi na ulit sya nagsalita. Tulog na yata ang anak ko. Pagod nga siguro, knowing his course, mentally exhausted nga siguro sya.

Aayos na sana ako ng higa nang bigla syang magsalita.

" Mommy, bakit kayo naghiwalay ni Dad? " he asked. Nabigla naman ako sa tanong niya. Ni minsan kasi hindi nya nabanggit ang daddy nya simula nang maghiwalay kami.

" Why are you asking? " takang tanong ko. Hindi kaya —

Umiling-iling siya. "Wala naman mom. Gusto ko lang malaman. "

Bumuntong hininga na lang ako. Tama naman siguro na sabihin ko sa kanya ang dahilan dahil malaki na sya. Alam kong may alam sya kahit maliit pa lang sya noon pero nanahimik na lang sya.

" Alam mo namang maaga kaming kinasal ng dad mo, diba? Hindi pa kami handa para sa buhay mag asawa lalo na sya. Our marriage didn't work out. I tried. We tried, pero ganoon siguro talaga. Kaya lang anak, wag ka sanang magalit sa kanya. Ama mo pa rin sya kahit pagbali-baliktarin ang mundo. Kahit na, ibang way ang pinili nya."

Umangat naman ang ulo nya at tumingin sakin na nakakunot ang noo.

" You mean. He didn't love us kaya sumama sya sa iba? Diba 'my, kaya nya tayo iniwan para sa ibang babae!" he blurted out.

Nagulat ako reaksiyon niya. Alam kong may tampo sya sa daddy nya pero hindi ko inakala ang galit na meron sa puso ni Marco.

" Hindi naman sa ganon, anak. Alam kong minahal ako ng daddy mo at lalo ka na. Mahal na mahal ka nya. Pero sabihin na nating, he just fell out of love. Maybe na-realize nya na hindi kami para sa isa't isa lalo pa't maaga nga kaming natali sa isang bagay na hindi kami handa. Hindi ko rin naman siya masisi. Wala rin naman kasi akong panama noon sa mga – ummm, you know, mga umaaligid sa kanya. " patuloy ko. Sinusubukan kong maging cool lang, na parang ok na sakin. Pero para na akong maiiyak sa mapait na katotohanan na iyon.

I was never enough for your father, anak. That's the truth.

"  But that's not fair. I mean you vowed to each other, til death do you part. I just can't understand why mom. I'm sorry." may hinanakit sa boses nya.

To Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon