Edited: 06142017
Mia's POV
" It' s been a long time... Baby. "
Para akong natuklaw ng ahas. Hindi ko inaasahan ito. At talagang ex-husband ko pa talaga ang CEO ng GLE!
Grabe ka naman Lord sumagot ng panalangin. You did spare me from having a background check. Eh kilala ko 'to mula ulo hanggang paa. Mula dandruff hanggang ingrown. Pati nunal nya sa ummmm..butt, alam ko. Lord naman eh!
"Stunned, are we? Ganyan ka ba makipag meeting sa investor nyo, where's the professionalism here? " he said mockingly.
Jerk! Bakit ba nakalimutan kong kapatid nga pala 'to ni taning?
" I-I'm sorry Mr. Elizalde. I was just, uhm, you know... Shocked." I smiled and tried to gain my composure. I'm trying my very best to make this meeting formal. Sana magtagumpay ako dahil ngayon pa lang kumukulo na ang dugo ko sa kanya.
I mean, why does he have to pull this stunt? I knew so well, na alam nyang ako ang ka-meeting nyang bwisit sya.
"Masyado ka naman pormal, Mia. Parang wala tayong pinagsamahan. " pang aasar niya. Ang sarap sampalin ng isang 'to! Nakangisi ang walang hiya!
" Well. The last time I checked, we got an appointment for BUSINESS MATTERS, Mr. Elizalde. I'm here to discuss AG's brilliant proposal with you. So I'm expecting that we're going to talk about BUSINESS only, SIR. " I looked at him with a straight and formal face. Despite my sarcasm, he kept his annoying smirk. Nakangisi pa rin ang ugok na 'to. At nakakainis. Kung hindi lang sya investor, nilayasan ko na sya.
Suddenly, he chuckled. Amused na amused si gago.
" What's funny Mr. Elizalde? I'm not even joking. And I'm too gorgeous to be a clown. " note it with so much sarcasm. I'm trying my best to be professional but he's ruining it! He's really getting into my nerves.
I glared at him. Pero lalo pa syang tumawa.
"I-I'm sorry! Can't help it. You're too serious baby. Relax ka lang. Mag breakfast muna tayo before you kill me. "tumalima sya at tinawag ang waiter.
Lumapit naman ang waiter agad na nakaabang na sa amin.
" Want do you want for breakfast, baby?" nakangising tanong nya sakin. Teka bakit nya ba ako tinatawag na 'baby'? Kanina pa' to ah.
"Same as yours na lang SIR. Thanks!" I snorted.
He smirked. Bumaling sya sa waiter. "Seafood rice, smoked salmon bagel. 2 plates of organic asian salad. 2 coffee and a pitcher of tropical iced tea. And a bucket of ice. Masyadong maiinit ang ulo ng date ko eh." He chuckled again.
The nerve of this jerk! I want to strangle him to death right now. But I have to keep myself calm. Hindi ko na lang sya pinansin. Nanahimik na lang ako at baka kung ano pang lumabas sa bibig ko eh masisante pa ako o makulong. Hindi sya worth it.
"So baby...How are you now? Magkwento ka naman." He said smiling.
That's it.
" Teka nga, yaman na rin lang na ayaw mong pormal tayong mag usap Gabriel. Pwede ba tigilan mo ang pagtawag sakin ng pesteng 'baby' na yan?! Kanina ka pa ah?! Hindi kita tatay para tawagin mo ako ng ganya. Isa pa, I'm here for a purpose. If you're not ready and you keep insisting talking on personal matters, then, I should leave now." asik ko sa kanya. Hindi ko na mapigil eh. Bahala ng ma- demote or ma-fire.
" Hey. Easy. I' m just making the atmosphere light. Masyado ka kasing stiffed and tensed. Kanina ka pa hindi mapakali. You even went to the CR to calm down. "he said as a matter of factly. Nilagay pa ang kamay sa baba nya. At amuse na amuse ang damuhong. Pero teka...
BINABASA MO ANG
To Never End
General FictionMia Diane Sandoval-Elizalde. Labing walong taong gulang ng maging isang ganap na Mrs. Gabriel Luis Elizalde. Arranged marriage? Nope. Pikot? Nope. Blackmailed? Nope Maagang lumandi? YES. A BIG YES. At gaya ng inaasahan, hindi naging madali ang...