Edited: 06132017
******
Mia's POV
Tuwang tuwa ako dahil sa promotion na natanggap ko. Kinahapunan inannounce ni Mr. Mercado, ang Presidente ng Almonte Group ang mga pagbabago, na ako na ang Executive Vice President for Finance. Si Mr. Michael Andrade ang naging Chief Accountant habang bakante naman ang Comptroller, na gaya ng sabi ni Mr. Almonte ay sa labas nila kukunin.
Kabi kabila ang congratulations sakin. Lalo na ng mga friends ko at syempre pa may mga nagtaasan ng kilay at tinatanong bakit daw ako. I am too young and inexperienced daw. Oh well care ko sa kanila. Hindi ko ikayayaman ang pagpansin sa mga inggitera dito sa office. Tsaka alam kong may grudge sakin yang mga palakang yan kasi either na-demote sila o natanggal yung mga boss nila na tino-tolerate ang kabulastugan nila dito sa office, dahil sa pag propose ko ng strict internal control at paghuli sa mga tirador ng mga supplies at petty cash dito.
Anyways.
Ang unang una nakaalam ay si Marco. Tuwang tuwa naman ang anak ko. At sa lahat ng nag congratulate sakin, ang kay Marco ang pinaka the best sa lahat na may kasama pang 'I'm so proud of you. ',' You're the best. ', at walang katapusang' I love you'. Ang sweet lang ng anak ko.
Matapos kong tumawag sa kanya ay napaluha ako. Worth it ang pagod ko, dahil sa mga sweet and encouraging words ng anak ko.
Minalas man ako sa pag ibig, mabait pa rin ang Diyos kasi binigyan nya ako ng anak na katulad ni Marco. Bawing bawi ang iniluha ko dahil sa ama nya. Sya ang naging lakas ko. Sya ang naging dahilan kung bakit hindi ako sumuko sa buhay.
"Hoy bruha, tama ba 'tong nakikita kong tirik na tirik ang araw eh nagdadrama ka? Anong kwento yan at sumulat na tayo kay Charo Santos. "eksaheradang sabi ng baliw kong best friend na si Tere.
" Ano ba Tere, nagmomo-moment ako dito. Wala ka talagang patawad sa pambabasag." inirapan ko na lang saka pinunasan ang luha ko.
" Bakit ka naman kasi nag-e-emo dyan? Promoted ka na ngang babae ka, umiiyak ka pa rin. Hay nako, buti na lang I'm so so so proud of you. Kahit feeling mo kinaganda mo yang pagdadrama!" niyakap nya ako ng mahigpit.
" Salamat Tere kahit peste ka palagi! Masaya lang ako. Worth it ang pagod at puyat ko dahil proud na proud sakin ang anak ko. " at muli naiyak na naman ako.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Mia, tumigil ka na kakaiyak dyan! Tsaka, i-expect mo na ibe-bless ka ng bonggacious ni Lord dahil mabuti kang tao. Kaya wag kang magtaka kung bakit sa kabila ng dinanas mo sa asawa mong kapatid ni satanas ay maraming magagandang nangyayari sa buhay mo. You go girl! " nakangiti nyang sabi sakin.
Si Therese Mojica. Ang bff ko since college. Alam nya lahat ng pinagdaanan ko. At tama sya sa kabila ng lahat pinagpala pa rin ako ni Lord.
Natapos ang drama naming dalawa at nagpatuloy ang trabaho sa araw na iyon. Syempre pa'y pinaghandaan ko ang Breakfast meeting ko with the VP Finance of GLE, si Mr. Ferdinand Sy.
Mabilis tumakbo ang oras, alas sinco na. Dali dali akong nag out dahil may turo pa ako sa university. Part time prof ako doon at Financial Accounting 1 ang tinuturo ko ngayong sem. Mag aabang na sana ako ng taxi ng biglang....
"Hi miss! Can I get your number and give you a ride? You're too beautiful to let you ride on a taxi alone. "
I rolled my eyes at hinampas ko sa braso si Marco. Oo ang damuhong kong anak na si Marco na papatayin ako sa gulat dahil bigla na lang akong inakabayan.
"Naku sorry mister. Matagal ko nang alam na maganda ako. At marami akong pera pang taxi." sakay ko naman sa trip ng anak ko.
He pouted.
BINABASA MO ANG
To Never End
General FictionMia Diane Sandoval-Elizalde. Labing walong taong gulang ng maging isang ganap na Mrs. Gabriel Luis Elizalde. Arranged marriage? Nope. Pikot? Nope. Blackmailed? Nope Maagang lumandi? YES. A BIG YES. At gaya ng inaasahan, hindi naging madali ang...