Chapter 21: Indifferent

10K 210 12
                                    

Mia's POV

Ignore.

I think this has been the best way to shoo him away. Althroughout the trip, hindi ako umiimik. Kahit anong open up nya ng kwento. I was just nonchalant.

Noong una, naisip kong i-take advantage yung pagkagusto sakin ni Greg but that's too unfair para sa kanya. Hindi naman ako ganoon kasama to use somebody to hurt Gabriel and stop him from all these charades.

Nagpaalam sya and I acted so cold. Wala talaga ako sa mood at nakakapagod talaga emotionally. Sobrang nagru-rumble na yung emotions ko.

Ang alam ko, mahal ko pa rin sya. Because ang love lalo na at kung totoo, hindi yun mawawala. But I'm also in fear. I was a wreck, a total wreck. Kung alam nya lang but I won't let him know of course. Ayaw kong maging mukang kaawa awa sa harap nya. But then, I have Marco to consider. Kilala ko ang anak ko. He suffered enough and behind that angst against his dad is a child who still longs for a father. Afterall, naging mabuti din naman si Gabriel na ama sa kanya when we were still a family.

Frustrating.

Ayaw. Gusto. Ayaw. At hindi ko na alam.

Napatitig ako sa phone ko na kanina pa nagri-ring.

Gabriel was true to his words na lagi nya akong tatawagan pero ni isa sa mga tawag nya ay hindi ko sinasagot.

Bahala sya.

Napangiti ako. Salamat naman at hindi na ako yung weakling na Mia noon. Kasi kung nangyari yan 2-3 years after ng annulment, I will keep running back. Hinding hindi ko matitiis si Gabriel.

But over the years, natutunan kong mahalin ang sarili ko. Natutunan kong makuntento lalo pa at swerte naman ako sa anak ko at sa career ko. Meron pa akong taratitat na Tere na hindi ako iniwan kahit minsan. Kahit naman pasmado ang bibig noon, sya pa rin talaga ang sinandalan ko sa loob ng maraming taon. Financially. Emotionally. Lahat ng suporta nasa akin.

After kong magmuni muni sa terrace ay umakyat na ako para matulog. Nagpaalam si Marco na mag overnight para tapusin ang feasibility study nila kaya ako lang mag isa dito sa bahay. Mabuti na rin, somehow nagkaroon ako ng me time.

"Hello mom! Gising ka pa po?"

Nagchat si Marco.

So I called him at sinagot naman agad.

"Hello, anak! Kumusta?"

"Mommy, ok ka lang ba?" He asked. Napakunot ang noo ko.

"Yes. Why? Ito matutulog na ako when you chatted me."

I heard him sighed.

"Eh mommy kasi itong si daddy nagchat sakin. He's worried kasi daw hindi ka sumasagot sa facetime nya. Baka napano ka na daw. That's why I checked on you." Mahabang paliwanag ni Marco.

Hay bwisit talaga. Napailing na lang ako.

"Hayaan mo yang papansin mong ama, Marco. I'm fine. I just don't want to talk to him. Ito na lang yung time na makakapag isip ako ng wala sya." maktol ko.

"Ang kulit ng manliligaw mo mommy." He chuckled.

Nailing na rin ako.

"Sa una lang yan. Mapapagod din yang daddy mo. Kilala ko sya mula dandruff hanggang ingrown." I said as a matter of factly.

"Naisip ko rin nga po. Pero mom, just curious. Bakit nag iba yata ang ihip ng hangin. You seemed indifferent?"

Kumunot ang noo ko. "Indifferent? Paano mo nasabi?"

"Wala. Itong nakaraan kasi you're always mad. You're irritated of dad's antics. Pero kinikilig ka naman. Haha"

I laughed. Obvious bang wala ako sa sarili? Yep. Inaamin ko naman, nadiskaril talaga ako sa pagbabalik ni Gabriel.

To Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon