Edited: 06132017
*****
Mia's POV
Alas onse y media na ng gabi at wala pa rin ang magaling kong anak. Sumasakit na ang ulo ko sa pag aalala sa kanya!
Manang mana.
Nailing na lang ako sa naisip kong iyon.
Sampung taon na rin pala ang nakakalipas mula nung naghiwalay kami ni Gabriel. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil hanggang ngayon masakit pa rin.
Haayyy. Buhay nga naman parang life.
Sixteen years old ako ng mabuntis ako ni Gabriel. - Oo na. Ako na maagang lumandi.
Boyfriend ko sya since 1st year high school. Sino ba naman kasing tatanggi sa isang hot at gorgeous na heartthrob ng buong campus. Tao lang ako. Babaeng marupok. Kaya ng sinabi nya saking 'Mia, I like you.'. Wala ng kyeme. Yes agad. Walang ligaw ligaw. Boyfriend ko na ang pantasya ng bayan.
Ganda ko diba?
Pero kahit mag on na kami officially, kabi kabila ang tsismis na may babae sya. Syempre deadma lang ako, kahit nahuhuli ko syang may ka-'I love you sa phone. ', kahit nahuli ko syang nakikipaghalikan sa likod ng building namin, kahit ilang beses ko syang nakita sa na may kasamang babae at nakikipaglandian sa kanila. As long as sakin pa rin sya at the end of the day, as long as ako pa rin ang mahal nya at ka-fling nya lang daw ang mga babaeng yun. Ok lang sakin kasi wagas ang pagmamahal ko sa kanya.
Naks. Kasuka.
Ok fine. Patayuan nyo na ako ng monumento sa bantayog ni Andres Bonifacio sa Monumento. Ako na ang martir. Hiyang hiya nga sakin ang GomBurZa, sa kadakilaan diba? (insert sarcasm here)
Pero may hangganan din naman ako. Napagod na rin ako sa pinag gagawa ni Gabriel...
Bakasyon noon, papunta ako sa bahay nila. Graduate na ako ng high school, sya naman ay incoming 3rd year sa course na Business Administration major in Management. Wala ang parents nya kasi nasa honeymoon daw. Kaya akong si dakilang girlfriend pinagluto sya at baka hindi pa yun kumakain. Hindi ko sya tinext o tinawagan para surprise.
Pero...
Ako ang nasurprise sa pagsabog nya. Sino ba namang hindi masu- surprise na ang boyfriend mo, may kinakaing iba. At hindi naman ako informed na mahilig pala sya sa hipon!
Sa sobrang engrossed nila sa pagyuyugyugan hindi nila ako napansin na nanonood ng live show nila. Nag dilim ang paningin ko sa kabila ng pagka eskandalo ko sa nakikita kong kababuyan. Feeling ko kasi kulang pa ang lintang hipon na yan para sa ulam nya kaya ayun. Binuhos ko ang Calderetang dala dala ko.
At hindi pa ako nakuntento ibinato ko sa pagmumuka ni Gabriel ang lalagyan ng caldereta. Shock na shock ang walang hiya. Saka ko binitawan ang most famous line ng mga sawing palad na katulad ko. 'Break na tayo!'
Hinabol nya ako pero wala akong pakialam. Sumakay ako ng taxi at doon umiyak. Ang sakit eh. Sa loob ng apat na taon na naging kami nagbulag bulagan ako, nagbibingi bingihan ako dahil mahal na mahal ko sya.
Lumipas ang 3 buwan na may nakabuntot sakin araw araw. Pareho lang kasi kami ng university ni Gabriel kaya ayun si gago parang asong sunud ng sunod at sorry ng sorry sakin. Pero hindi ko sya pinapansin. Tsk. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari sana hindi na lang ako nag enroll dito. Bago pa kasi ang live show ni Hudas, nakapag enroll na ako dito kaya hindi na rin ako maka back out.
Subalit, ngunit, datapwat may lahi talaga akong tanga. Nagpauto na naman ako. But wait there's more..... Sharp shooter si gago. Isang try lang BUNTIS agad ako.
BINABASA MO ANG
To Never End
General FictionMia Diane Sandoval-Elizalde. Labing walong taong gulang ng maging isang ganap na Mrs. Gabriel Luis Elizalde. Arranged marriage? Nope. Pikot? Nope. Blackmailed? Nope Maagang lumandi? YES. A BIG YES. At gaya ng inaasahan, hindi naging madali ang...