Edited: 06142017
Changed some minor details and convo.
******
Mia's POV
"So, ano na? Ano nang plano mo ngayong nagkita na kayo ng ex mong hudas? "tanong ng mahaderang si Tere.
I shrugged.
" Wala. Eh ano ngayon kung andyan sya. Annulled naman na kami. Nasakin naman si Marco. So, ano pang plano ang pinagsasasabi mo dyan?"
"Tinatanong lang kita. Ba't ang dami mong say. Bakit defensive ka? Ano bang pinaglalaban mo. " asik niya.
Nakibit balikat na lang ako." Hindi ako defensive 'no. "
" K. Sabi mo eh. Pero girl, paano kung makipagbalikan sya sayo. Kasi sa mga puntuhan nyang ganyan parang may pahiwatig ang gagong yun eh. " napataas ang kilay ko. Absurd!
" Tere, dios mio, imposible pa sa imposibleng maglakad ang isda yang pinagsasabi mong yan. Like hello! Ten years. As in sampung taon na kaming hiwalay. Annulled na ang kasal namin. Tsaka.. " lumunok ako sa isiping ito..." Sigurado akong may pamilya na syang iba ngayon."
"Teka. Why am I hearing some panghihinayang at matinding pighati in your voice? Bakit affected ka pa rin. Tingnan mo yang itsura mo ng banggitin mong may iba ng pamilya, at masyadong na advance ang byernes santo sa pagmumukha mo? Yeng tetee teh?!"
Napahagikgik ako sa kabaliwan niya.
" Tere!"hinampas ko sya sa braso."Ano ka ba? Hindi 'no. " depensa ko. Tsk. Pano ko ba lulusutan' tong imbestigador na 'to.
"Ulol! Sinong niloko mo? Baka nakakalimutan mo na alam ko na ang likaw ng bituka mo. Kaya kilala kita. Magsabi ka nga ng totoo, may feelings ka pa rin kay Gabriel, ano?"
" Affected ako, oo na." pag amin ko. "Hindi ko rin ma-gets kung bakit apektado ako sa tarantadong yun. Eh hindi naman na dapat diba? "
Nakagat ko na lang ang labi ko sa sobrang frustration. Nakakainis yung ganito ako. Nakakainis yung makakaramdam ako ng hindi naman dapat.
" Kasi girl, mahal mo pa rin. Oh, subukan mong itanggi sasabunutan kita." pinandilatan ako ng mata.
Hindi ako nakaimik agad.
Mahal ko pa nga ba sya? Pero hindi na dapat. Mali ito. Mali. Wag kang bobo Mia!
" Ewan. Hindi ko alam kung mahal ko pa rin? Hindi naman na dapat diba? Wala na dapat syang puwang sa puso ko..." I sighed and looked away. " Pero kung sakali ngang mahal ko pa rin, hindi naman sapat iyon. Isa pa mas mahal ko na ang sarili ko ngayon. Natuto na ako sa nakaraan namin. At kung may dapat man akong mahalin at pag-ikutan ng mundo ko, 'yon ay si Marco lang." pag amin ko. Hindi naman maikakaila iyon. Pero hindi yun sapat.
"Kung mahal mo, eh tigil tigilan mo na yan kasi kabobohan na yan Mia. Aba! Tinarantado ka na nga, mahal mo pa rin. Teh, uso ang word na move on 'no! Tsk. Tsaka marami ka namang manliligaw ah. Edi sagutin mo lahat para mas masaya. " litanya naman nya.
" Gaga! Para mo na ring sinabing kumuha ako ng sampung bato at ipukpok sa ulo ko. Ayoko nga. Hindi pwedeng ganon. "singhal ko naman sa kanya.
Bumuntong hininga sya." Eh pano nga kung makipagbalikan? Paano lang naman? Tatanggapin mo agad with arms wide open? " tinaasan pa ako ng kilay ng bruha.
" Ano ako, bale? Syempre hindi. Ayoko ng masaktan, ano! Tama na yung balde baldeng iniluha ko sa kanya sa loob ng maraming taon. Tsaka hindi ko naman dapat sya pagtuunan ng pansin. Si Marco at ang booming career, yan ang mas mahalaga sakin ngayon. Hindi yang kalokohang love life na yan. Tapos na ako sa ganyang stage. " litanya ko.
BINABASA MO ANG
To Never End
General FictionMia Diane Sandoval-Elizalde. Labing walong taong gulang ng maging isang ganap na Mrs. Gabriel Luis Elizalde. Arranged marriage? Nope. Pikot? Nope. Blackmailed? Nope Maagang lumandi? YES. A BIG YES. At gaya ng inaasahan, hindi naging madali ang...