Chapter 19: Something Burning

17.7K 335 58
                                    

Mia's POV

Naramdaman kong may gumalaw at parang may mabigat sa bewang ko. Unti unti akong nagmulat para lamang mapapikit ulit.

Nakahiga kami sa sofa ni Gabriel at nakaunan ako sa braso nya habang nakadantay naman sya sakin. Ewan kung paano kami nagkasya dito sa laking tao niya.

Shit. Nakatulog pala ako.

Huminga ako ng malalim at unti-unting bumangon pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"Gaby.." inalis ko ang braso nya pero niyakap nya lang ulit ako at ngumiti.

"Hi!"

I felt awkward. Nag iwas na lamang ako ng tingin at pilit na bumangon. Napatingin ako sa oras at alas onse y media na pala ng gabi. Nakahain pa rin ang mga binili nyang pagkain para sakin at tuyong tuyo na ang mga iyon.

Napalingon naman ako sa cellphone ko na nagri-ring sa ibabaw ng glass table. Si Marco, tumatawag.

"Hello." bungad ko nang sagutin ko ang tawag.

"Mommy! Kanina pa ako tumatawag. Nasan ka na po?" nag aalalang turan niya.

I bit my lip. "Anak, sorry. Nakatulog kasi ako. Pero pauwi na ako."

"Sige po. Iwan ko na lang pong bukas ang gate ha. Ingat ka po 'my."

"Opo Sir Marco." I chuckled. He sounded like his Lolo Ambo.

"Ok. Matutulog na po ako. Bye. I love you."

"Love you too, baby boy. Bye."

Paalam ko sa kanya. Pagbaba ko ng tawag ay napalingon ako kay Gabriel na matamang nakatitig sakin.

"Tinatawagan na ako ng anak mo." sabi ko na lang.

"Yeah. I heard." matipid na sagot niya. Hindi ko na lang pinansin ang lungkot sa boses niya. Tuluyan na akong tumayo at nag ayos ng sarili.

"May microwave ka ba dito sa office mo?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala. Sa pantry pa sa labas."

Tumango naman siya. "I'll just reheat these."

"Wag na iuuwi ko na lang sa bahay kung gusto mo. Gusto ko na ring umuwi."

"No. You'll eat. You didn't have proper lunch. Magkakasakit ka nyan, Mia." he said firmly.

"I'm fine. Sa bahay na lang ako kakain." pero bigla namang tumunog ang tiyan ko ng malakas.

Ugh.

Nginisihan nya lang ako. "Yeah right. Maupo ka na dyan. Mabilis lang ito. Wag nang matigas ang ulo dahil hindi ka rin naman mananalo sakin."

I surrendered.

"Tch. Fine, fine. Bahala ka na nga." sinungitan ko na lang sya at bumalik sa desk ko para i-shut down ang MacBook ko.

Pailing iling na lang syang lumabas dala dala ang mga pagkain na papainitin niya.

I sighed. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Unti unti nang nababasag ang depensa ko kay Gabriel. Parang gusto ko nang maniwala na talagang mahal nya ako, na hindi na nya ako iiwan at hindi na sasaktan.

Ang hirap naman ng ganito. Sana hindi na lang komplikado. Mahal ko naman sya pero ang hirap nyang pagkatiwalaan.

"Halika na. Kumain ka na dito." bungad niya nang bukasan ang pinto.

Hindi na ako nag inarte pa. Tumayo na ako at dumulog sa receiving at tinulungan syang ayusin ang dala nya.

"Pwede pala yung ganito, ano? Yung maayos tayong dalawa, yung hindi nag aaway." nakangiting sabi niya.

To Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon