Edited: 06132017
******
Marco's POV
Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si mommy.
Nakapahalumbaba sa may dining table namin at nakatulala.
I sighed. Siguradong si daddy na naman ang iniisip nya.
Pinagmasdan ko sya at kitang kita ang lungkot sa mga mata nya. My mom might be bubbly and strong willed but deep inside she's lonely and broken.
Eight years old ako nang maghiwalay sila ni Daddy. I witnessed all the pain that she went through dahil sa pambababae at pag aaway nila ni daddy. At a young age nakita ko ang hirap na dinanas ni mommy. My dad was a good father but never a good husband. Mabait naman sakin si dad. Lahat ng gusto ko sinusunod nya. Lahat ng plays, contest and even meetings ng PTA hindi nya minimiss. Though andun si mom pero gusto nya andun pa rin sya.
Actually, he WAS my idol.
Pero naging mortal na kaaway ko sya simula ng masaksihan ko kung pano nya away awayin at sigawan si mommy. Hindi rin lingid sakin ang pambababae niya. He's cheating on my poor mom. Samantalang si mommy walang ginawa kundi ang mahalin kami. Alam kong nahihirapan sya. Nag aaral, inaalagaan ako, inaalagaan si daddy at sya pa ang bahala sa bahay. Pero ayun, binalewala lang sya ni daddy.
Iniwan nya pa rin kami na parang basahan.
Bumaba na ako ng tuluyan at ngumiti. Nakuha ko ang atensyon ni mommy at hinalikan ko sya sa pisngi. Lagi ko syang nilalambing, she needs that. Kami na lang ang magkasama ngayon. That's why I never withhold the love that she deserves. After all, it's never embarrassing being affectionate to your mom, even in public. I hug and kiss her anytime or anywhere. Because I am really proud that I have a mom like her. Ang suwerte ko kasi sya ang mommy ko. They even call me as 'Mama' s boy' but the hell I care kasi totoo naman.
Umupo ako sa tapat nya at nilantakan ang niluto nyang tapsilog. Sarap! The best.
"O Mom, bakit hindi ka kumakain, magugutom ka sa office nyan. "sabi ko ng mapansin kong hindi sya kumakain.
" Kumain na ako kanina, ang tagal mo kasi bumangon.... By the way, paki explain nga yung pag uwi mo ng late kagabi, Marco Gerald? " tinaasan nya ako ng kilay.
Napakamot tuloy ako sa ulo. Hindi nga pala marunong makalimot tong si mommy.
" Nagkayayaan lang po kami mag bar, mom. Sawi kasi si Eduard kasi break na sila ng girlfriend nya. " paliwanag ko kay mommy.
" Si Monique? Bakit daw? " panguusisisa ni mommy.
Aba kelan pa naging tsismosa si mommy.
" Malay ko. Ayaw po magsalita ni Eduard eh. Inom lang ng inom kagabi pero sigurado akong sya ang may kasalanan. Ganon yung mokong na yun pag sya ang may kasalanan. Hindi nagsasalita. " paliwanag ko. Tatango tango lang si mommy.
" Eh bakit hindi ka man lang nagpaalam, ha? Ni hindi ka man lang nagtext o tumawag man lang. Aba Marco, halos atakihin na ako sa pag aalala sayo kagabi baka akala mo. Tapos yang pesteng phone mo, IPhone 6 pa kuno, hindi ko matawagan. Paano kung mapag tripan ka ng mga tambay dyan? O kaya ma-holdap ka! Dios mio! Papatayin mo ba ako sa kunsumisyon? "litanya ni mommy. Sabay irap.
"Sorry na po, mom. Wag ka na magalit. Na lowbat kasi ako eh. Ang pesteng si Harold nag COC ba naman sa phone ko. Ayun deadbat. Yaan mo 'my, babatukan ko para sayo hindi kasi kita nacontact dahil nya. " ngumisi ako kay mommy.
She rolled her eyes." Whatever. Basta tandaan mo yung usapan natin ha. Goodbye 'birdie' ka kapag hindi ka tumino. " singhal ni mommy.
Natawa naman ako. Mommy talaga." Mabait naman ako mommy ah. Poging pogi pa at syempre hot na hot pa. " tumayo ako sabay pose ng pang macho na animo'y Mr. Universe. Hahaha
BINABASA MO ANG
To Never End
General FictionMia Diane Sandoval-Elizalde. Labing walong taong gulang ng maging isang ganap na Mrs. Gabriel Luis Elizalde. Arranged marriage? Nope. Pikot? Nope. Blackmailed? Nope Maagang lumandi? YES. A BIG YES. At gaya ng inaasahan, hindi naging madali ang...