"Gabriel, please wag mo kaming iwan ni Marco!" pagsusumamo ko sa asawa ko.
Humihikbi akong kumapit sa damit nya para pigilan sya. Pero tiningnan nya lang ako ng walang mabasang emosyon sa mga mata nya.
"I'm sorry Mia.... But I can't live this marriage any longer. " walang kagatol gatol na sabi nya.
" Please Gab, maawa ka naman samin ng anak mo! Kahit hindi na lang sakin kahit kay Marco na lang. "muli akong nagsumamo sa kanya. Wala akong pakialam kung magmuka akong kawawa o tanga.
Dahil hindi na ito tungkol sa akin. Pero para sa anak kong wala pang muwang.
Humugot ng malalim na hininga si Gabriel. At matamang tiningnan ang mga mata ko.
" Sorry Mia. But I can't. I just can't stay. You see, nagkakasakitan lang tayo. At mas masasaktan si Marco kung lagi nya tayong nakikitang nag aaway. " pumikit siya ng mariin.
....." And, I love someone else. I'm sorry. " saka nya tinanggal ang ang kamay kong nakahawak sa dulo ng polo nya. Binuhat ang kanyang maleta. At umalis ng bahay dala ang kotse nya....
At ako, naiwan ako sa kwarto naming tulala. Wasak na wasak. At animo'y pinatay ng ilang ulit.....
" Mommy! "tumatakbo palapit sakin si Marco, ang anak ko. Humahagulhol ito. Sa edad na walo, alam kong alam nya ang nangyayari sa pamilya namin.
Hinalikan ko sya sa pisngi. Saka pinunasan ang luha nya.
" Everything will be alright, anak. I promise na mabubuo ulit ang family natin ha. Just hold on. I love you anak. " hinaplos ko ang ulo ng anak ko at saka hinalikan sya ulit.
Magpapakatatag ako. Aayusin ko ito. Para kay Marco....
BINABASA MO ANG
To Never End
General FictionMia Diane Sandoval-Elizalde. Labing walong taong gulang ng maging isang ganap na Mrs. Gabriel Luis Elizalde. Arranged marriage? Nope. Pikot? Nope. Blackmailed? Nope Maagang lumandi? YES. A BIG YES. At gaya ng inaasahan, hindi naging madali ang...