Chapter 22

1 0 0
                                    






Napangiwi ako nang lagyan na ng bandage ni David ang kamay ko na nabalian. Hindi naman daw malala pero nagpatawag na siya nang doctor na any minute ay dadating na dito.

"Thank you." nginitian niya naman ako at lumabas na ng kwarto. "Naku iha hindi ko talaga alam kung anong pumapasok sa kukote nang bata na iyon. Napaka sadista."

"Manang okay lang po sanay na po ako."

"Hindi naman ganyan si Justin dati. Hindi ko alam kung ano nangyari sa batang iyon."

Ilang sandali lang ay dumating na ang doctor at siya na mismo ang nag ayos ng pilay ko. "Your arm just needs to rest. Try not to use it often."

Tinignan ko lang si Serene na nakikipagtawanan kay David. Umupo lang ako sa labas at nag isip. Hindi ko alam ano ang tumatakbo sa utak ni Justin. He wouldn't risk everything for nothing. Why would he be sorry for what he did?

Gusto niyang kunin si Serene sa akin, I tried to stop him, may pagkakakataon na siyang kunin siya pero hindi niya kinuha.

Nakaramdam ako nang paninitig sa akin. Tinignan ko ang paligid pero wala akong makita dahil gabi na rin. Yinakap ko ang sarili ko at pumasok na sa loob.

Pag gising ko ay iyak agad ni Serene ang naririnig ko. Bumangon ako at pumunta kung saan nang gagaling ang iyak niya.

"Sarah, buti naman at gising ka na, ayaw kasi mag gatas etong si Serene."

"Ako na po."

"Pero may pilay ka pa. Hindi pupwedeng mapagod yan."

"Higa niyo nalang po si Serene sa kama."

Paghiga kay Serene ay nag pupumiglas pa siya pero nung nakita niyang ako ang nagsalpak ng gatas sakaniya ay tumigil siya at hinawakan ang bote.

"Ikaw lang talaga ang gusto niya."

Naligo na muna ako habang naglalaro si Serene sa kama. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at hindi maipinta ang mukha ko dahil sobrang gulo ng mukha ko at nag mumukha na akong matanda dahil sa kulang sa tulog palagi.

Tinanggal ko ang benda sa kamay ko at tinignan iyon. Hindi naman ganoon kasakit yong pilay pero pag nabibigla ay masakit talaga.

Matapos ko maligo ay agad kong tinignan ang pwesto ni Serene pero wala siya doon. Agad naman akong nataranta at abot abot ang kaba.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya don. "Manang?"

"Bakit?"

"Si Serene?"

"Akala ko ba nasa kwarto mo?" napamura ako sa isip ko at hinanap si David. Pumunta ako sa labas at sinubukang hanapin si David. "David?!" sigaw ko.

Pumunta ako nang dalampasigan at nagbabakasakaling nandoon siya. Pero wala. Bumalik ako ng bahay na pagod na pagod. "Naku Sarah hindi ko napansing umalis si David kanina."

Napaupo ako sa upuan at saka napahilamos ng mukha. "I need to find them." lumabas ulit ako ng bahay at balak na ikutin ang buong isla.

"Sarah sandali!" hindi ko pinakinggan si manang at nagpatuloy lang sa pag hahanap. Mangiyak ngiyak akong naglalakad at tumatakbo para mahanap si David at Serene.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon