Chapter 2

13 0 0
                                    

Chapter 2
A hot tea will be the best drink for me when taking a bath. Mag iisang oras na ako dito sa bath tub at nagbabad. Ganito ako sa tuwing ako ay nag iisip o kung sakaling may bumabagabag sakin. Hindi talaga mawala sa isip ko yung nangyari noong isang araw. Saturday na ngayon at wala akong plano pumasok, dahil sa mga sumunod na araw ay sinubsob ko talaga ang sarili ko sa trabaho para makalimutan yung nakita ko. Hindi kaya may kakambal ang nanay ko kaya ganun? Impossible, wala naman siyang nabanggit tungkol doon. Pero posibleng may kakambal nga ang nanay ko.

After taking a bath, nagbihis ako ng tshirt at white shorts para maglibang. Gusto kong manood ng sine. Kinuha ko na ang mga kailangan ko sa kwarto at saka bumaba. Mukhang masarap ang niluluto ng mga katulong ko kaya nag punta ako sa kusina para tignan kung ano yung niluluto nila.

"Ay! Good Morning ma'am!" gulat na sabi nung maid na nagpupunas.

"Good Morning, anong pagkain." Umupo ako sa stool sa may counter dahil island counter naman ang kusina ko kaya't nakikita ko kung anong niluluto nila. "Kaldereta po ma'am malapit nap o ito maluto."

"No thanks." Sabay alis ko. Paboritong lutuin iyon ng nanay ko kaya hangga't maaari y hindi ako kakain nun kahit kailan at baka ako naman ang sumunod.

Ang papanget ng mga palabas sa sinehan ngayon. Ang daming tao pa, ano naman ang ikinaganda ng mga love story? Tungkol lang naman yan sa mga taong nabulag at naloko niyan. Hindi ako bitter o kung ano man. Ang akin lang, kung magmamahal ka wag mo ibigay ang lahat, magtira ka ng para sayo, dahil sa huli sarili mo lang din ang tutulong sayo.

"excuse me miss bibili kaba ng ticket? Kasi kanina ka pa nakatayo sa counter." Tinignan ko ng mula ulo hanggang paa etong binatang ito.

"Kung hindi ka makapaghintay na matapos ang isang tao sa kanyang pamimili ng ticket or whatsoever, you better get in here earlier." Tinalikuran ko siya at namili nalang ng kung anong movie na mayroong magandang poster.

Pagpasok ng sinehan ay ang iingay ng mga tao, hindi ba sila naiingayan sa sarili nila? Meron pa doong naglalampungan sa isang sulok akala mo naman motel, porket malamig dito sa loob ay magpapainit na? Nagsimula ang movie ng tahimik nakakabingi nga lang sa mga babaeng tili ng tili akala mo naman kung anong nakakakilig. Pwede namang ngumiti nalang.
Napahinto ako sa part ng palabas kung saan namatay ang nanay nung lalake. Nagsalita ang nanay sa huling hininga niya.

"anak, mahal na mahal kita, kahit hindi ko nabigay ang mga gusto mo, at hindi ko napakita na mahal kita pero anak, sa puso ko alam kong ipagpapalit ko ang lahat para sayo maski ang buhay ko. Alagaan mo si Michelle dahil siya ang babaeng magbibigay ng pagmamahal na di ko nabigay sayo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nalagutan na siya ng hininga. Hindi ko namalayang napaiyak na din ako. Tumayo na ako at lumabas ng sinehan. Sa pagmamadali ko ay nakatapon ako ng popcorn.

"What the hell? Miss – Oh hi there"

"you know her" sabi ng babaeng akala mo naman coloring book ang mukha at linta kung makakapit kay Justin na akala mo may aagaw sakaniya.

"She's someone I know." Tumalikod na ako at pumunta nalang sa mga stalls sa mall para makabili ng mga damit. Pero sa kasamaang palad, wala akong nabiling isa. Nagpunta ako sa department store baka sakaling merong maganda. Nag sukat ako ng mga sapatos kahit alam kong di bagay sakin ay sinukat ko padin. Nang paalis na ko, ay nag salita yung babaeng saleslady.

"May pasukat sukat pang nalalaman akala mo naman bagay, saka mukha namang walang pambili." Agad akong napalingon sa babae at sinamaan ng tingin.

Ginantihan naman niya ako ng tingin na akala mo may ipinagmamalaki. "Yes, alam kong di bagay ang mga sinusuot ko, kaya nga di ko binili hindi ba? Walang pambili?"

kinuha ko ang sampung libo sa pouch ko at isinampal sa mukha niya, na mukhang nagulat pa sa nangyari. "Ayan tip ko para sayo. Wag kang mayabang diyan –"

Tinignan ko yung nameplate niya. "Kayla, dahil unang una wala ka namang maipagyayabang at pangalawa saleslady ka lang may ari ako."

Agad namang pinagkaguluhan ang perang ikinalat ko sa sahig at pinagagawan. Mga tao talaga, kung alam nilang wala silang laban wag na silang lumaban dahil para lang silang sumugod sa giyera na walang bala. Dahil mahilig ako sa mga chinese food, ay nag punta ako sa isa sa mga chinese restaurant dito.

"May reservation po ma'am?"

"Hindi ako nainform na bawal pala kumain dito ng hindi nagpapareserve?"

nataranta naman yung waiter at saka ako iguinide sa pwestong malapit sa bintana. Kung ano nalang ang mukhang masarap ay iyon ang inorder ko.

Sa huli ay hindi naman ako nag sisi sa inorder ko. Tumunog ang bell sa pintuan at saka ako napatingin doon. Pumasok naman si Justin at iba nanaman ang kasama. "hello again." Bati pa niya na akala mo ay close kami.

"di ka pala mayabang, masyado ka din palang mahangin." Napakunot naman ang noo niya.

"oh, the girl a while ago is my girlfriend, and this, is my sister." Ngumiti yung kapatid niyang mukhang mabait pero nasa loo bang kulo. Inirapan ko lang ito at saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Matapos kong kumain ay nag cr muna ako dahil feeling ko ay sasabog na ang pantog ko. Pagkalabas ko ng cubicle ay nandun yung kapatid ni Justin. What a cliché.

"I like you." Agad akong natigilan doon. Tibo ba siya? Lumingon siya sakin at saka ngumiti. "Hindi ka plastic like other girls. You show what you are. Nakita kita sa kanina inaaway yung saleslady na alam ko namang mali siya. You say what your mind says."

So anong ipinaparating netong taong ito? "What I'm saying is, be with my brother. You two are perfect for each other. Oh my, this is so cliché. But I think, this really happen in real life."

Nonsense. Ano bang meron sa mga tao ngayon at feeling nila ay nasa movie sila na akala mo naman ay may kwenta ang paniniwala nilang iyon. Hindi ko gusto ang Justin na iyon dahil unang una sa lahat ay mayabang siya at pinapakialaman niya ang buhay ko. Kung sakali mang magustuhan ko ang lalakeng iyon ay sa tingin ko ay bangungot na iyon.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon